Kahit parehong bilyonaryo… KASALANG BEA-VINCENT, SOBRANG SIMPLE
- BULGAR

- 2 days ago
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | July 16, 2026

Photo: IG _beaalonzo
Kung simple ang kasal nina Vincent Co at Bea Alonzo, simple rin ang reception setup para sa kanilang mga guests.
Ipinasilip ng H. Lopez Event Styling ang setup ng reception, simple rin lang at ang description ay “Simple. Clean. Intentional.”
Kahit parehong bilyonaryo sina Bea at Vincent, walang masyadong burloloy na nakalagay sa isang long wooden table, at ang nakita lang naming decor ay glowing candles at calla lilies na nakalagay sa glass vases.
Sa mga nagtanong kung bakit walang photos sa reception, ang paliwanag, “For those asking for photos with Ms. Bea, we honestly didn’t take any because it was such a private and intimate celebration. We wanted to respect the moment and didn’t want to intrude.”
Nag-post si Bea ng wedding photos nila ni Vincent sa kanyang Instagram at ang ginamit na background music ay Palagi nina TJ Monterde at KZ Tandingan.
Naalala namin, may napanood kaming reel ng couple habang nasa Noctos Bar. Nag-duet sila sa nasabing kanta at hawak ni Vincent ang kanyang phone habang kumakanta para sa lyrics ng song.
Natuwa ang mga netizens sa eksenang ‘yun. Nakita nila si Vincent hindi bilang bilyonaryo kundi isang simpleng lalaking in love sa kanyang girl.
HINDI matutuloy sa July 31, 2026 ang dapat sana ay first major concert ni Jillian Ward. Naglabas ng official statement ang producer ng concert na Stage Nova Entertainment Production at sinabi nila ang rason.
Pahayag nila, “To our valued supporters, due to unforeseen circumstances, we regret to inform you that Jillian Ward’s concert, originally scheduled for July 31, 2026, has been rescheduled to December 8, 2026.
“We sincerely apologize for any inconvenience this change may cause and truly appreciate your understanding, patience, and continued support.
“With this additional time, we are fully committed to making every moment of the wait worthwhile. We promise to deliver a bigger, better, and more unforgettable concert experience — one that will truly exceed expectations and give our audience the show they deserve.
“Thank you for standing with us. We look forward to celebrating an incredible night with all of you on December 8, 2026.”
Kasama rin sa ipinaliwanag na ang mga nabiling tiket para sa July 31 schedule ay valid pa rin para sa bagong petsa. Positive ito para sa mga fans ni Jillian dahil mas may time siya to rehearse at para rin makapili ang mga producers ng tamang guests para sa kanyang concert.
May mga nag-comment pa na sana ay bigyan ng mas maraming panahon na mai-promote ang concert para mas marami ang maging aware sa bagong concert date.
Hihintayin nila ang bagong petsa ng concert ni Jillian na gagawin pa rin sa New Frontier Theater.
PAGKATAPOS ng apat na supporting roles sa apat na horror movies, bida na si Rose Van Ginkel sa Viva Films movie na Rosario.
Ikinatuwa rin ni Rose na sa nasabing pelikula, hindi na multo ang kanyang role. Sa past four horror movies na ginawa niya, puro multo kasi ang kanyang role.
“Nagulat nga ako dahil laging multo ang role ko. Siguro, nakita ng mga producers at directors ng past movies ko na bagay ako bilang multo. Ngayon ko lang din naisip, pero ‘di problema sa akin ‘yun. At least ngayon, bida na ako at title role pa,” sey ng aktres.
Isa pang ikinatuwa ni Rose, parang para talaga sa kanya ang pelikula dahil ang real name niya ay Rosalie at malapit dito ang pamagat na Rosario.
Tungkol sa pamahiin kapag may patay, ikinuwento ni Director Roni S. Benaid ang kuwento ng kanyang mom at ang obserbasyon nito tuwing may namamatay, laging may hawak na rosaryo.
Si Direk Roni rin ang sumulat ng story at script ng movie.





Comments