top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kahit pandemic pa…NEIL, AYAW PUMAYAG NA SIMPLE LANG ANG KASAL NILA NI ANGEL

  • BULGAR
  • Mar 18, 2021
  • 1 min read

Erlinida Rapadas - @Teka Nga! | March 18, 2021




Sa isang interview, nabanggit ni Angel Locsin na handa na siya kung anuman ang magiging kaganapan sa kanilang kasal ni Neil Arce.


Nasa gitna pa raw tayo ng pandemic at kung siya lang ang masusunod, ayaw niya ng kasalang magarbo ang preparasyon. Okey na sa kanya ang simple lang na dadaluhan ng malalapit na kaibigan at pamilya nila. Mahigpit pa kasi ang pinaiiral na health protocols ngayon.


Ngunit ang kanyang groom-to-be na si Neil ang ayaw pumayag na simpleng kasalan lang ang mangyari.


Katwiran daw ng producer fiancé ng aktres, hindi naka-experience ng debut at prom night si Angel, kaya ipinangako niya na bonggang kasal ang ibibigay sa wife-to-be.


At hindi raw mai-stress si Angel Locsin sa gagawing preparasyon. Si Neil Arce mismo ang personal na nag-aasikaso ng lahat at nakikipag-coordinate sa kanilang wedding planner. At 'pag may gustong ikonsulta at ipapa-approve kay Angel na may kinalaman sa kanilang wedding ay ipinaaalam niya sa nobya.


Hands-on si Neil Arce sa pag-aasikaso sa wedding preparations. Kailangan na lang na mag-rest at magpa-beauty si Angel hanggang sa araw ng kanilang kasal.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page