top of page
Search
  • BULGAR

Kahit obvious na obvious na… JEROME, ‘DI MAAMIN ANG RELASYON NILA NI KRISSHA

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Abril 23, 2024



Tila may ‘something’ nang namamagitan kina Jerome Ponce and Krissha Viaje.


Dumalo ang magka-love team sa mediacon ng upcoming TV series nilang Sem Break kahapon at kapansin-pansin na mas sweet sila ngayon kaysa noong time na nagsisimula pa lang ang kanilang tambalan.


Diretso ngang natanong ang dalawa kung ano ang difference ng kanilang relasyon ngayon na may ‘something’ na sa kanila, and in fairness, hindi naman nila ito itinanggi pero hindi rin inamin.


Sey ni Jerome, “Bawal talaga. Alam mo, minsan, gusto natin ng peace of mind. Huwag na mag-aaway. Huwag mong pag-awayin. Okay na kami, eh.”


Hindi na-gets ng press ang sinasabi ni Jerome kaya tinanong siya kung ano ang ibig niyang sabihin pero hindi rin ito masyadong maipaliwanag ng aktor.


“Ay, ikaw ba naman. . .” at tumigil sa gustong sabihin. “Basta!” nasambit na lang niya.


Then, sey niya, “May mga bagay lang kasi na alam mo ‘yun, nadadala nga sa set, sa taping, eh ayoko ng ganu’n. So, madaldal talaga akong tao. Medyo kumakalma ako kasi ayokong…”


Lalo kaming naguluhan sa sinabi ni Jerome.


Patuloy pa niya, “Katulad nga ng sabi ko, may mga bagay na dapat, isinasaatin muna kasi kapag nadamay na ‘yung iba, baka mamaya, magkagulo. Gusto ko man kasing masayang ikuwento ‘yun, pero as of now, ‘wag muna.”


Nang si Krissha naman ang tanungin, sagot niya, “Kasi mas kilala na namin ang isa’t isa so parang mas smooth po ‘yung lahat ng ano namin, ‘yung mga eksena namin, ‘yun.”


When asked kung mas mahirap ba na makatrabaho ang isa’t isa ngayong may something special na sa kanila, ani Krissha ay hindi naman daw.


“Mas marami na kaming na-discover sa isa’t isa and…"


Si Jerome na ang nagdugtong, “Mas naglu-look forward kami what’s next.”


Samantala, matapos pumatok ang tambalang Jerome-Krissha sa drama series na Safe, Skies, Archer, muling mapapanood ang dalawa sa bagong horror serye na Sem Break.


This time, hindi lang sila magpapakilig kundi mananakot din.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page