top of page
WINNER - NETIZENS KAY PANELO KAWAWANG ‘PINAS!-IG _salvador.panelo & FB Robin Padilla.jpg

Kahit nilalait… SEN. LITO, PROUD NA NAKA-3 TERMS NANG SENADOR

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 5, 2022
  • 2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | January 05, 2022





Hindi kandidato si Sen. Lito Lapid ngayong 2022 elections dahil hanggang 2025 pa siya manunungkulan sa Senado. Pero magiging busy siya sa kampanya dahil suportado niya ang Pinuno Partylist na ang first nominee ay Kapampangan ding katulad niya na si Howard Quinto.


As we all know, “pinuno” ang bansag kay Sen. Lito dahil ito ang tawag sa kanya sa karakter niya sa FPJ’s Ang Probinsyano na talaga namang sumikat nang husto.


Ayon kay Sen. Lito, siya mismo ang nagbigay ng pangalang Pinuno Partylist at talagang all-out ang kanyang suporta dahil naniniwala siya sa magandang layunin ng grupo.


Pabahay para sa mahihirap ang layunin ng Pinuno Partylist. Nais ni Howard na mabigyan lahat ng matibay na bahay ang bawat mamamayan na hindi kayang igupo ng bagyo.


Bukod sa pangangampanya sa partylist ay busy din si Sen. Lito ngayon sa shooting ng pelikulang Apag with Coco Martin at idinidirehe ng award-winning director na si Brillante Mendoza.


Excited ang senador dahil matagal na raw niyang pangarap na makatrabaho si Direk Brillante.


Bukod dito ay nami-miss na niya ang paggawa ng pelikula at gustung-gusto na raw niya talagang bumalik sa showbiz.


Samantala, sa nasabing mediacon ay sinagot ni Sen. Lito ang mga bashers na mababa ang tingin sa mga artistang senador.


Ayon sa action star/senator ay marami na rin siyang naipasang batas at hindi lang niya ito ipinag-iingay. Hindi raw niya pinapatulan ang mga bashers at wala nga raw siyang kahit ano’ng social media accounts.


“Marami namang magagaling na artista (na pulitiko). Siguro, isa ako sa kinukutya dahil hindi naman ako nakapag-aral. Dahil high school graduate lang ako, ‘di ako marunong mag-English at hindi ako marunong makipagdebate sa mga magagaling dahil puro abogado ‘yun,” he said.


Pero kung sa experience raw ay papantay na siya dahil 30 yrs. na siyang nanunungkulan bilang public servant.


“Nakaka-tatlong terms na ako sa Senado. Bihira ho ang maka-tatlong terms or second term na mananalo ka bilang senador kung wala kang ginawa na mabuti sa Senado. Malalaman naman ng tao kung may ginagawa ka o wala,” aniya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page