top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Kahit nawalan ng trabaho... JOHN LLOYD, UMAMING ANG YAMAN-YAMAN NA NIYA NGAYON

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 23, 2020
3 min read

Julie Bonifacio - @Winner | November 23, 2020




"The show must go on," ang tinuran ng King of Talk na si Boy Abunda sa kanyang Kumu show titled The Best Talk last Saturday night.


Galing ng Tagaytay City si Kuya Boy for a special speaking engagement earlier that day at bumaba ng Manila to prepare for his 9 PM show sa bahay niya sa Kyusi na currently under renovation.


Sad to say, he was stuck at the traffic sa bandang SLEX for more than four hours, kaya sa highway na siya inabot for his Kumu show.


Super excited pa naman si Kuya Boy sa kanyang second episode ng The Best Talk dahil no less than his favorite actor and special friend na si John Lloyd Cruz ang kanyang guest.


Aba, that was JLC's first ever online interview at guesting sa isang Kumu show, kung 'di kami nagkakamali.


Feeling hassle naman si Kuya Boy dahil na-battery empty na ang kanyang laptop kaya cellphone na lang ang gamit niya habang iniinterbyu si JLC.


In-announce naman ni Kuya Boy na ang malilikom na regalo sa kanyang second The Best Talk episode sa Kumu ay mapupunta sa Make Your Nanay Proud Foundation.


Nakakabilib si Kuya Boy kasi kahit wala siyang show sa ABS-CBN ngayon, tuluy-tuloy ang ginagawa niyang pagtulong sa iba't ibang grupo.


Like 'yung first episode ng The Best Talk, idinoneyt niya sa isang international group na tumutulong sa mga bakwit.


Last week ay personal naman siyang nag-ikot sa Marikina at nagbigay ng tulong sa mga kababayan nating nasalanta ng Bagyong Ulysses.


Kahit aktibo na sa social media si Kuya Boy, 'di pa rin niya gustong ipinapakita ang ginagawa niyang pagtulong sa kanyang kapwa.


At maging sa mga entertainment press, patuloy ang kanyang pag-aabot ng financial help simula pa lang nu'ng pandemya hanggang sa mga kasamahan natin sa panulat na sobrang naapektuhan ng Bagyong Ulysses. Lahat 'yan, ginagawa ni Kuya Boy with no funfare.


Going back sa kanyang Kumu's The Best Talk, sa kabila ng aberyang inabot ni Kuya Boy that night, nothing can stop him na mainterbyu si JLC kahit virtually pa man ito.

Una nilang napag-usapan ang tungkol sa bagong pelikula ni JLC na Servando sa direksiyon ni Lav Diaz.


Iba ang hitsura ni JLC when he appeared sa show ni Kuya Boy. Clean cut na ulit siya at lutang na lutang ang kaguwapuhan, mukhang ready to face the camera again. Baka magsisimula na siya ng napabalitang sitcom daw nila ni Bea Alonzo for a new blocktimer sa isang TV network.


Kuwento ni JLC, ang yaman-yaman niya sa karanasan ngayon.


"Oo, sobra. Nawalan man ako ng trabaho, hahaha! Ang dami ring, kumbaga, huminto man ako nang matagal, 'di naman tuluyang wala, gumagawa pa rin ako nang panaka-naka. Binibigyan ako ng magagawa ng mga kaibigan ko. So, 'yung mga panahon na 'yun, enriching din naman 'yung naging process," pahayag ni JLC.


Tinanong ni Kuya Boy si Lloydie kung choice ba niya talaga nu'ng huminto siya sa paggawa ng mga proyekto.


"Oo, ano na rin, kailangan na ring huminto at magnilay-nilay, hehe. Kailangan ng ano, medyo dumistansiya. Parang gusto mong maging.... 'di ko alam. 'Di ba, para malagyan ng bago, kailangang ubusin mo muna lahat?"


"Napagod siya?" tanong ulit ni Kuya Boy kay JLC.


Natawa si John Lloyd, "Parang hindi naman siya istorya ng napagod," tugon nito.

Nilinaw ni Kuya Boy na 'di pisikal na pagod ang tinutukoy niya.


"Uh... ahhh. Kasi, at one point in your life, na-realize mo na maigsi pala ang buhay," sabay tawa ni JLC.


Pagpapatuloy pa niya, "So, gusto mo lang somehow mabigyan ng kahit paano ng halaga, atensiyon 'yung mga bagay, hindi mo puwedeng ikaila 'yun, 'di ba?


"Hindi mo siya maidi-deny, eh. Parang kailangan mo siyang gawin, otherwise parang ang tingin ko, ayoko naman na tatanda ako na nagtataka ako, 'Paano kung sinubukan ko?'"


Naging slight emotional naman sina Kuya Boy at JLC nu'ng magkumustahan sila ng kanilang personal lives. Although, wala naman talagang nabanggit si JLC about his personal life.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page