Kahit nasa TV5 na… SHAINA: FOREVER KAPAMILYA AKO
- BULGAR

- Apr 27
- 3 min read
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | April 27, 2026

Photo: IG nikimedina
Answered prayer para kay Shaina Magdayao ang teleseryeng My Bespren Emman (MBE) dahil matagal na pala niyang gustong makagawa ng ganitong klaseng kuwento na ang huli niya ay bata pa siya.
Ito ang nasambit ni Shaina sa nakaraang Primetime Pa5iklab ng TV5 mediacon.
Aniya, “It’s very humbling kasi sa mga materyal na ginawa ko nu’n, ako ‘yung baby ng family, ako ‘yung Ryrie (Sophia) ng materyal and thirty years later, nandito pa rin ako, nabibigyan pa rin ako ng trabaho, nasa harapan n’yo pa rin ako at ilan po sa inyo ay lumaki na ako sa harapan n’yo.
“Now, I’m here in front of you not as the little girl in the story but I am now the mom. So siguro, ‘yung wisdom na nakita ko sa mas matanda sa akin when I was younger, ‘yung little Shaina na napakasuwerte to be able to share the screen with some of our great actors ngayon sa industriya, kasama si Mama (Ai Ai de las Alas) doon, dahil nu’ng teenage days ko, si Mama ang kasama ko sa Tanging Ina (2003, 2008, 2010 at 2011), isa s’ya sa mga naging modelo rin sa akin. Hopefully, hawak-hawak ko ‘yun, baon ko ‘yun for this show and for this role.”
Samantala, nagpapasalamat si Shaina dahil nakagawa siya ng serye sa TV5 at grateful din siya sa ABS-CBN dahil kasama niya si JM de Guzman.
“I think dumating na rin po sa point na buhay ko bilang isang tao at isang artist na kahit saan ako magtrabaho, kahit saan ako dalhin ng career ko, ‘di mawawala sa DNA ko ang maging isang Kapamilya, ‘di lang si Shaina bilang artista kundi si Shaina bilang tao.
“S’yempre, sila (ABS-CBN) ‘yung station na nag-raise sa akin at kung sino ako dahil din sa ABS-CBN. I’m grateful dahil napahiram ako because, sabi ko nga, this is an answered prayer dahil ‘di basta-basta ang materyal na ‘to, gusto ko talagang gawin. Maraming mga Emman din na kumausap to make this happen,” kuwento ni Shaina.
At tungkol naman sa love life ay nagkatawanan na lang ang lahat dahil sabi ng aktres, “Alam n’yo naman ang sagot ko r’yan, ‘di ba, hayaan na natin.”
Mapapanood na ngayong gabi, Lunes, Abril 27, ang MBE na co-produced ng Numinous Narratives at Spring Films, mula sa direksiyon nina Derick Cabrido at Jerome Pobocan.
Sistema ng gobyerno, kung ‘di na mababago…
ROBIN, SA NETHERLANDS NA ITITIRA ANG PAMILYA
GUSTO nang magretiro ni Sen. Robin Padilla sa parehong politics at showbiz kaya niya ibinebenta ang Museo de Padilla na matatagpuan sa Fairview, Quezon City.
Sa ibang bansa planong manirahan ni Robin kasama ang asawang si Mariel Rodriguez-Padilla at dalawang anak na sina Isabella at Gabriela, at makakatulong ang pagbebentahan ng Museo de Padilla para sa pagsisimula nila.
Kuwento ni Robin sa panayam sa kanya ng Bilyonaryo News Channel, “(Taong) 2010 pa nu’ng naging lovey-dovey kami ni Mariel, gusto ko nang mag-retire, magpunta sa abroad. Magpunta na nga kami ng Netherlands at Germany.
“Kung ‘di natin mababago ang sistema ng gobyerno sa Pilipinas, i-enjoy ko na lang ‘yung asawa ko, mag-ano na lang ako sa mga anak ko, kasi ‘di ako naniniwala sa sistema na ‘to. I’m sorry. Patawarin n’yo ako, ‘di ko nakikita ang future ng sistema na ‘to.”
Ito ang opinyon ng number one senador noong 2022 na sobrang excited nang manalo dahil marami siyang gustong baguhin para sa ikauunlad ng ating bansa. Pero hindi niya ito kaya nang mag-isa lang.
Pagdating naman sa showbiz, kahit gustung-gusto pa nitong makagawa ng maraming pelikula ay wrong timing na dahil iilan na lang ang kumikitang pelikula ngayon at hindi na rin bumalik ang sigla ng mga nanonood sa sinehan dahil mas gusto na lang nilang manood sa streaming platform.





Comments