Kahit nanay pa… JANINE, NAHIRAPANG KATRABAHO SI LOTLOT
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | March 31, 2021

Mahirap na madali para kay Janine Gutierrez na makatrabaho ang inang si Lotlot de Leon na kasama niya sa pelikulang Dito at Doon ng TBA Studios.
Pumayag si Lotlot na magkaroon ng special appearance sa pelikula ng anak at kahit kaunti lang ang scenes niya ay markado lahat. Ginagampanan niya sa DAD ang papel na isang nurse na nanay ng karakter ni Janine.
Sa isang scene na kailangang yakapin niya ang ina, ayon kay Janine ay talagang nahirapan siya.
“While shooting it, mas kinakabahan po ako. Tinulungan pa talaga ako ni Direk JP (Habac) sa eksena na ‘yun kasi ano, ewan ko, nai-star struck po siguro ako sa nanay ko,” ani Janine sa virtual mediacon ng pelikula held last Monday night.
Bukod dito, dahil nga napakagaling na aktres ng kanyang ina, ang feeling daw niya ay kailangan niya talaga itong masabayan.
“Parang feeling ko, I have to step up 'pag si Mama 'yung kaeksena ko dahil nga siyempre, nanay ko siya at lahat naman ng ginagawa ko ay para maging proud siya,” she said.
Pero sa isang banda ay madali rin because mommy nga niya ito.
“On one hand, it’s easier dahil nanay ko siya. On another hand, it’s harder dahil nanay ko siya,” natatawa niyang sabi.
“Pero it was very fun at na-appreciate ko na talagang ginawan niya ng paraan na magawa niya ‘yung pelikula sa schedule niya,” sey ni Janine.
Samantala, sa Dito at Doon ay first time nagkatambal nina Janine at JC Santos. Pareho nilang puring-puri ang isa’t isa at nag-enjoy daw sila working with each other.
“Sobrang okay po si JC. Saka lang nga ako kumalma nang dumating na siya sa set, eh. Sobrang okay po talaga siyang katrabaho at ang dami ko ring natutunan sa kanya,” saad ni Janine.
Para naman kay JC, isa raw sa pinakamasarap katrabaho si Janine dahil wala raw itong wall at napaka-approachable.
“She’s so generous and super-open at wala siyang wall kaagad, she’s so approachable. So, kahit ano'ng ibigay kong acting choices sa kanya, eh, naibabalik sa akin kaagad at naibabalik sa akin nang mas maganda pa na hindi ko ini-expect.
“So, nagugulat ako every time, so ang ganda. Dahil paulit-ulit din naman siyang ginagawa, so she managed to make it fresh every time,” sabi ni JC.
Set during the current pandemic, very now ang pelikula at tiyak na napakaraming makaka-relate. It incorporates such “lockdown” realities as e-numan, video calls, virtual graduations, DIY learnings as well as being a plant parent, at iba pang aktibidades under the new normal settings.
Mapapanood na ang Dito at Doon simula ngayong Miyerkules, March 31 via streaming apps such as KTX.ph ( https://www.ktx.ph/ ), Cinema '76 @ Home (https://cinema76fs.eventive.org/welcome), iWant TFC ( https://tfc.tv/ ), Upstream ( https://upstream.ph/ ) and Ticket2Me (https://ticket2me.net/).
Kasama rin nina JC at Janine sa pelikula sina Victor Anastacio at Yesh Burce.





Comments