Kahit nakapagpiyansa na… MGA BAGONG PATUNG-PATONG NA KASO, ISINAMPA KAY AWRA SA PAGWAWALA SA BAR
- BULGAR
- Aug 17, 2023
- 1 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | August 17, 2023

May mga panibagong charges na kinakaharap ngayon ang komedyanteng si Awra Briguela. Hindi pa siya lusot sa mga naunang reklamo sa kanya bunsod ng insidente sa isang bar sa Makati City.
Pagkatapos niyang makapagpiyansa sa mga naunang isinampang reklamo sa kanya last month, muling nahaharap si Awra sa mga reklamo para sa light threat, grave coercion, at paglabag sa Safe Spaces Act, na inihain noong Miyerkules nang umaga.
Matatandaan na pansamantalang nakalaya si Awra sa Makati City Custodial Jail pagkatapos niyang makapagpiyansa ng halagang P6,000.
Una siyang kinasuhan ng alarm and scandal, physical injuries, direct assault, at disobedience to person in authority.
Gayunpaman, ibinunyag ni Makati Chief of Police Col. Edward Cutiyog na ibinaba ito sa slight physical injury at simpleng pagsuway sa isang taong may awtoridad.





Comments