Kahit nabakunahan na… GOMA, COVID-POSITIVE
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | July 18, 2021

Kahit bakunado na, nagpositibo pa rin sa COVID-19 si Ormoc City Mayor Richard Gomez.
Ayon sa ipinadalang statement ni Goma sa media kahapon, may mild symptoms lang naman daw siya.
“I tested positive for COVID. It could be my exposure from multiple people because of work I do as mayor. But I will be ok,” pagkumpirma ni Goma sa statement.
“I will need a lot of rest and will have to be in isolation until I’m better…I will go back to work as soon as doctors will give the clearance. I ask everyone to continue to be vigilant and safe,” pahayag pa ng aktor-pulitiko.
Matatandaang last May 25 ay nag-post si Goma na nabakunahan na siya ng first dose though hindi niya binanggit kung ano'ng brand.
Hindi na siya nag-post kung nabakunahan na siya ng 2nd dose pero we presume na fully vaccinated na siya since almost 2 months na ang nakakaraan, maliban na lang kung AstraZeneca ang kanyang vaccine na 3 months pa ang hihintayin for the 2nd dose.
Ito ang patunay na kahit bakunado na ay puwede pa rin talagang madale ng COVID-19 kaya dapat pa rin talagang maging maingat.





Comments