top of page
BIDA - SARAH, NAMAMAGA NA ANG MUKHA, OBYUS NA BUNTIS_FB Sarah Geronimo.jpeg

Kahit mga trentahin, fans na… JEO AT GEHLEE NG PBB, MALA-ALDUB ANG PAKILIG

Writer: BULGAR
BULGAR
17 hours ago
3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | November 6, 2026



BULGARY - JEO AT GEHLEE NG PBB, MALA-ALDUB ANG PAKILIG_FB Circulated

Photo: PBB Collab 3.0 / SS



Maraming netizens ang hindi napigilang kiligin sa naging screen test nina Jeo Ong at Gehlee Dungca para sa kanilang weekly challenge sa paggawa ng vertical drama sa Pinoy Big Brother: Collab Edition 3.0 (PBBCE3.0). 


Si Jeo, na hinahangaan dahil sa kanyang medyo bad boy look at kasipagan sa paglilinis ng Bahay ni Kuya ay tila nawawala ang pagka-maangas kapag kaharap ang singer at dating miyembro ng K-Pop girl group na UNIS.


Sa isang episode, pinagpares-pares ang mga housemates para sa acting challenge. Nang sina Jeo at Gehlee na ang humarap sa camera, tila nakalimutan ng mga nanonood na umaarte lamang ang dalawa.


Sa eksena, pipigilan ni Jeo si Gehlee sa pag-alis dahil mayroon daw siyang mahalagang sasabihin. Sa halip na dumiretso agad sa kanyang sasabihin, pinaupo muna niya ang dalaga habang halatang nag-iipon ng lakas ng loob.


Panay naman ang pang-uusisa ni Gehlee dahil hindi malaman kung ano ang gustong sabihin ng binata.


“Sabihin mo na, sige, ano ba kasi ‘yun?” tanong niya.

Medyo nailang pang tumingin sa ibang direksiyon si Jeo bago tuluyang humarap kay Gehlee.


Sabi niya, “Gusto ko lang sanang sabihin sa ‘yo na—Gehlee…”

Sandaling huminto ang binata, ngumiti at saka ibinagsak ang linyang nagpakilig sa kanilang mga tagahanga.


Sambit niya, “Gusto kita.”


Nagkatinginan ang dalawa bago napangiti si Gehlee at umiwas ng tingin kay Jeo. Napansin naman ni Jeo ang pagkabigla ng dalaga kaya tinanong niya ito.

“Okay ka lang? Parang napipipi ka na, ah?” biro niya.


“Bakit ngayon mo lang kasi sinabi?” tanong ni Gehlee.

“Nahihiya kasi ako sa ‘yo, eh,” sagot naman ni Jeo.

“Bakit ka naman nahihiya?” usisa pa ng dalaga.

“Ikaw na ‘yan, eh,” nakangiting sagot ng binata.


Pero hindi pa roon natapos ang kilig dahil may pasabog din si Gehlee. Matapos ang ilang sandali, inamin din niyang may gusto siya kay Jeo.


“Matagal na rin kitang gusto, eh,” pagtatapat niya.


Hindi tuloy maiwasang magtanong ng mga nanonood – hanggang acting lang ba talaga ang mga matatamis na salitang iyon? 


Sa social media, dagsa ang reaksiyon ng mga kinilig sa tambalang JeoLee. May ilan pang umaming nahatak na sila sa bagong tambalan, kabilang ang mga trentahin na tila nakahanap ng bagong dahilan para abangan ang bawat episode. Mala-AlDub (Alden Richards at Yaya Dub) nga raw ang atake nina Jeo at Gehlee.





HABANG patuloy na nakikipaglaban ang pelikulang Filipiñana para sa karangalan ng Pilipinas sa international film scene, may isa pang laban na nangangailangan ng suporta ng buong industriya — ang pinagdaraanan ng bida nitong si Jorrybell Agoto.


Hanggang ngayon ay nasa ospital pa rin umano ang aktres dahil sa kanyang karamdaman. Umabot na rin sa kampanya ng pelikula para sa Oscars ang balita tungkol sa kanyang kalagayan.


Gayunman, nilinaw ni Film Academy of the Philippines (FAP) Director General (DG) Paolo Villaluna na hindi ginagamit ang pagkakasakit ni Jorrybell para makahikayat ng suporta sa Filipiñana sa nalalapit na Academy Awards.


Ayon kay DG Paolo, nais lamang nilang mabigyan ng sapat na atensiyon ang kalagayan ng aktres upang makatanggap ito ng tulong sa gitna ng mabigat na pinagdaraanan.


“‘Yung kalagayan ni Jorrybell, I mean, my hope is that everyone becomes aware of it. Because Jorrybell deserves the support she can get habang pinagdaraanan n’ya ‘to,” pakli niya.


Mariin din niyang itinanggi na bahagi ng promotional strategy ng pelikula ang sitwasyon ng aktres.


“The question is kung ginagamit ba s’ya for the campaign? No. No, no! No. Nagkataon lang. And sadly, that’s happening now.


“But the main messaging sana natin is that we’re here to support Jorrybell. And the whole industry sana gets together to support her,” dagdag pa niya.


Para kay DG Paolo, mahalagang malaman ng publiko ang kalagayan ni Jorrybell dahil kailangan nito ng tulong, lalo na sa aspetong pinansiyal.


“Importante naman na mapag-usapan ‘yung kalagayan ni Jorrybell because she needs the support, especially financially,” tugon niya.


Muli rin niyang iginiit na walang intensiyong samantalahin ang cancer ng aktres para mas mapag-usapan ang Filipiñana.


“Definitely no! Oh God, no, no! I mean, not from anyone! Parang lalo na tayong mga Pinoy, I think, we function in good faith. So, walang ganu’n. Nagkataon and it is sad that Jorrybell is in the hospital right now,” wika pa ng FAP director.


Samantala, patuloy ang magandang takbo ng international campaign ng Filipiñana, na siyang pambato ng bansa sa Best International Feature Film category ng Oscars. Kabilang sa mga nakamit nito ang Global Feature Award sa Jakarta Film Week.


Nominado rin ito sa Best International Feature ng Gotham Film Awards sa New York at nagwagi bilang Best Feature Film in the International Competition sa 55th Molodist Kyiv International Film Festival sa Ukraine.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page