top of page
BIDA - SARAH, NAMAMAGA NA ANG MUKHA, OBYUS NA BUNTIS_FB Sarah Geronimo.jpeg

Guy, gusto na raw ng parents niya… JILLIAN, UMAMING IN LOVE NA SA EDAD NA 21

Writer: BULGAR
BULGAR
4 hours ago
3 min read

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | November 6, 2026



TALKIES - JILLIAN, UMAMING IN LOVE NA SA EDAD NA 21_IG _jillian

Photo: IG _jillian



Ibinulgar ng aktres na si Jillian Ward sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) na siya ay in love na. Hindi naman nito pinangalanan kung sino ang lucky guy na nagpapatibok ng kanyang puso.


Sa panayam, tinanong siya ng King of Talk na si Boy Abunda, “At 21, you are in love?”

“Yes po, Tito Boy,” nakangiting sagot ni Jillian.


“Ilarawan mo nga ngayon, Jillian, ‘yung nararamdaman mo, ‘yung iyong buhay because of this love?” dagdag na tanong ni Boy.


“Siguro po, mas inspired po ako. At saka natutunan ko na ang life pala, ‘di lang dapat puro work. Kumbaga, sa twenties ko, gusto kong mabalanse ‘yung sa family life ko, tapos ‘yung sa friends ko, at sa matters of the heart. Parang gusto ko po talagang i-enjoy ‘yung pagkadalaga ko,” sey ng aktres.


Tinanong din siya ni Boy kung ano ang pakiramdam kapag kasama niya ang kanyang special someone at kung nakakapag-date ba sila o nakakalabas para mag-dinner.


“Well, ako, Tito Boy, alam n’yo po, fun fact, lumalabas po talaga ako in public. Minsan nagga-Grab ako na naka-disguise kasi gusto ko lang po talagang ma-experience lahat. Gusto ko na lumalabas ako. Pupunta ako ng malls tapos nagdi-disguise ako,” kuwento ni Jillian.

“‘Di ka talaga nagpapakilala?” tanong ni Boy.


“Opo, Tito Boy. Kaso nakikilala pa rin po nila ako. So ending po, parang ang dami kong nagiging friends ‘pag lumalabas ako. Gusto ko lang po talaga na i-enjoy ko ‘yung life ko talaga,” ani Jillian.


“Describe him to us,” sambit ng King of Talk.


“Super caring and ‘di s’ya takot na i-express ‘yung appreciation n’ya sa ‘kin, whether sa friends n’ya, sa family n’ya o sa iba’t ibang taong nakakasalamuha n’ya,” ani Jillian.

Tinanong din siya ni Boy kung aprubado ba ng kanyang mommy ang lalaking nagpapatibok ng kanyang puso.


“Actually po, gusto s’ya ng parents ko. Ako po talaga, ‘pag ‘di ako binigyan ng green light nina Mama at Papa or kahit po ng mga kapatid ko, ‘di ko ine-entertain ang isang guy kasi sobrang importante sa ‘kin na ligawan n’ya muna ang family ko bago ako,” nakangiting sagot ng aktres.


Well, kaya naman pala lucky in love at lucky din sa work si Jillian dahil marespeto sa kanyang parents.





SUPER proud ang Kapuso actress na si Camille Prats sa panganay na anak na si Nate na magsisimula na sa kolehiyo sa pinapangarap nitong paaralan.

Sa kanyang social media post, ibinahagi ng aktres-host ang kanyang mensahe para sa anak.


Ani Camille, “College! The first time you ever set foot on this campus was when you were in Grade 1. But God had other plans in between, leading you to a place where you grew not only academically, but more importantly, in your faith.


“After high school, you shared with us your desire to pursue college at this university. We prayed for it together as you worked hard and pushed yourself toward this goal.

“This moment right here is a beautiful testament to God’s sovereignty and faithfulness. Truly, we can make our plans, but it is the Lord who establishes our steps.


“May this always be a reminder to you, Nate, that nothing can stop what the Lord has willed for your life. His plans and purposes will always prevail. As you begin this new chapter, may you continue to be salt and light wherever God places you. May you grow in wisdom and stature, and in favor with God and man.


“Been cheering you on since Day 1.”

Well, deserve ni Nate ang bagong biyayang ito. Congrats sa kanyang college life.





NAGHAHANGAD ng tapat na pag-ibig sa kabila ng mixed signals at panandaliang relasyon ang singer-actress na si Maymay Entrata sa bago niyang single na Sinta.


Isinulat ni Maymay ang dance-pop track kasama sina ABS-CBN Music creatives, content, and operations head Jonathan Manalo at Nhiko Sabiniano ng Nameless Kids. Si Jonathan din ang nagsilbing producer ng kanta.


Sa mensahe nito, ipinapaalala ng Sinta na karapat-dapat ang bawat isa sa isang pag-ibig na tapat, sigurado, at pangmatagalan.


Ang Sinta ang ikatlong single ni Maymay ngayong taon, kasunod ng What We Love at Masunog Man, na nagpakita ng kanyang mga pananaw tungkol sa pag-ibig at buhay sa pamamagitan ng dance-pop at pop-rock na tunog.


Isinumite rin ni Maymay ang Masunog Man bilang For Your GRAMMY® Consideration sa Best Asian Pop Music Performance sa 2027 Grammy Awards.

‘Yun lang, and I thank you.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page