Kahit maraming nagtutulak… GOV. VILMA, WALANG BALAK MAG-SENADOR SA 2028

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | November 6, 2026

Photo: IG _rosavilmasantosrecto
Parasa mga nagtatanong ng update sa political career ni Batangas Gov. Vilma Santos-Recto, nagbigay na siya ng pahayag na wala siyang balak na tumakbong senador sa 2028 elections.
Marami kasi ang nagsasabing puwede na siyang kumandidato sa mas mataas na posisyon sa susunod na eleksiyon, kaya ineengganyo siya ng kanyang mga supporters.
Well, hindi kasama sa plano niya ang maging senadora, kaya mas magkakaroon na ng panahon si Gov. Vilma na muling gumawa ng pelikula. Ito ang laging hinihiling ng mga loyal Vilmanians.
At wala ngang balak na magretiro sa showbiz ang Star for All Seasons. Naghahanap siya ng maganda at kakaibang istorya na babagay sa kanya.
Sey nga ng mga Vilmanians, hindi niya basta maiiwan ang showbiz na minahal niya nang mahigit na anim na dekada.
Mahilig sa mga luxury cars si Willie Revillame. May collection siya ng mga mamahaling sasakyan tulad ng Mercedes-Benz, Ferrari, Jaguar, Bentley, atbp..
Bale ito ang regalo niya sa sarili noong malakas pa kumita ang kanyang game show na Wowowin.
Ang kanyang mga kotse ay ilan lang sa mga naipundar ni Willie, bukod sa mga condo, rest house at resort, kaya hindi na nakapagtataka kung naisin niyang makabili ng ipina-auction ng Bureau of Customs (BOC) na mga nakumpiskang luxury cars ng mga Discaya.
Ang kontrobersiyal na Black Rolls-Royce Cullinan na model 2023 ay nabili ng isang businessman from Baguio.
Ganunpaman, noong araw daw mismo ng auction para sa iba pang luxury cars ay hindi raw nakarating si Willie, kahit nag-submit ito ng intensiyon upang mag-bid. Nagbago raw ito ng isip.
EXCITED pa rin si Dina Bonnevie na dumalo sa mga awards night, kahit matagal siyang namahinga sa paggawa ng pelikula.
Dumalo siya sa nakaraang 74th Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) Awards upang tanggapin ang special award bilang Queen of Glossy Films. Nakita namin ang saya at sigla ng aktres nang tanggapin niya ang nasabing award. Sabik na rin siyang muling lumabas sa pelikula.
At ang online show niyang House of D (HOD) sa YouTube (YT) kasama ang mga anak niyang sina Oyo at Danica Sotto, plus ang mga manugang niyang sina Kristine Hermosa at Marc Pingris, ay nakatulong upang maka-move on si Dina sa pagpanaw ng kanyang mister na si DV Savellano.
Well, nag-e-enjoy ngayon ang aktres sa pagho-host sa kanyang YT channel. Mas naging close siya sa kanyang mga anak at mas nararamdaman na niya ang pagmamahal at pagmamalasakit ng mga ito.
Sa HOD ay maraming topics na tumatalakay sa relasyon ng pamilya, kaya marami ang nakaka-relate.
MULING magbabalik ang GMA Network.com Awards 2026, kaya may chance na ang mga fans na ipanalo ang kanilang mga paboritong Kapuso artists, personalities at programs.
Ang mga categories ng GMA Network.com Awards 2026 ay: Rising Kapuso Male and Female Star of the Year, Kapuso Male and Female Teenstar of the Year, Kapuso Couple of the Year, Kapuso Love Team of the Year, Kapuso Daytime Series of the Year, Kapuso Primetime Series of the Year, Kontrabida of the Year, Comedian of the Year at Kapuso Host of the Year.
Maaaring bumoto sa GMA Network.com Awards 2026 hanggang December 28, 2026. Ang announcement ng winners ay gaganapin sa 2027 Kapuso New Year Countdown Special sa December 31.





Comments