Habang nakaratay sa ospital… ODETTE, INIYAKAN ANG PALIHIM NA GINAWA SA KANYA NI MARIAN

ni Julie Bonifacio @Winner | November 6, 2026

Photo: IG _marianrivera
Nabulgar ang ginawang pagtulong ng Primetime Queen na si Marian Rivera kay Odette Khan dahil itsinika ito ng anak ng veteran actress na si Claudette sa kanilang interview kay Susan Enriquez.
Matatandaan na lumabas sa balita ang pagkakasakit at pagkakaospital ni Odette. Isinugod daw sa emergency room ang aktres and then later ay na-admit. At isa raw sa mga unang nagpadala ng financial help ay si Marian.
Ibinulong daw ni Claudette sa kanyang ina na nagbigay ng financial gift ang aktres, at saka raw tumulo ang luha nito habang nakaratay sa ospital.
Naiyak ang veteran actress dahil hindi raw siya personal na nakapagpasalamat sa misis ni Dingdong Dantes.
Nagpadala naman ng isang video si Claudette para pasalamatan si Marian.
Bukod sa Primetime Queen, pinasalamatan din nito si Dingdong bilang lider ng Aktor PH. Humingi raw kasi ng tulong ang aktor sa Film Academy of the Philippines (FAP), at ngayon ay inaayos na raw nito ang tulong nila para kay Odette.
Well, pinuri si Marian ng mga netizens dahil sa ginawa niya.
“Mas gusto ko ‘yung part na helping nang ‘di nalalaman ng iba, nalalaman lang kasi ‘yung tinulungan ‘yung mismong nagsasabi. Ang sarap ng ganu’ng feeling….”
“Korek! You just know na it’s a genuine help, kasi she kept it confidential all this time.”
“Nagpamigay pa ‘yan ng bangka, malalaman mo na lang du’n sa pinagbigyan kasi ‘di naman mapagsabi si Marian.”
For sure, malaking halaga ang ibinigay na pera ng aktres para sa pagpapagamot ni Odette.
PAGKATAPOS ng matagumpay na pagsasadula sa entablado ng Bongga Ka, ‘Day!: The Annie Batungbakal Musical, iniluluto na ang kasunod na stage production nila for 2027. At ‘yan ay walang iba kundi ang Do Re Mi.
Ayon sa aming source, aprub na ang theater version ng iconic movie noong dekada ‘90 na pinagbidahan nina Regine Velasquez, Donna Cruz at Mikee Cojuangco.
Magsisimula na raw ang audition para sa musical play ng kaparehong production na gumawa ng Bagets at Bongga Ka, ‘Day!.
Wala pang maibigay na pangalan ang source namin kung sinu-sino ang gaganap sa musical play sa mga karakter nina Regine, Donna at Mikee sa movie version.
Pero itsinika ng source namin na muntik pa raw maurong ang paggawa ng musical play version ng Do Re Mi dahil sa isang controversial director na nagplano na gumawa ng Part 2 nito. At ang type pa raw nito na gawing titulo ng karugtong ng Do Re Mi ay Fa So La.
But after some deliberations, it was decided na isang musical play ang gawin kaysa sequel ng Do Re Mi.
Mas okay daw ito kaysa sa iniisip na Fa So La sequel ng controversial director. Mabuti na lang daw at pinakinggan ng producer ang mga creators ng musical play, kaya push na push na raw na gagawin ito next year.
Well, baka maging follow-up project din ng kambal nina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez na sina Andres at Atasha ang Do Re Mi.





Comments