Kahit may show na sa TV5… PIOLO, NAGPARAMDAM NA BABALIK SA DOS

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | November 6, 2020

Nagparamdam na babalik si Piolo Pascual sa Kapamilya Network dahil nagtanong siya sa head ng ABS-CBN Creative Communication Management na si Ginoong Robert Labayen kung kailan ang shoot ng 2020 Christmas Station ID ng ABS-CBN base sa panayam nito sa Kumu talk show ni Miss Charo Santos-Concio na Dear Charo nitong Nobyembre 2.
Tanong ni Piolo kay Ginoong Robert na co-host ni Ma’am Charo, “So, kailan tayo mag-e-SID ulit?” na sinagot naman ng, "Inuumpisahan na."
Trending lagi ang Station ID ng ABS-CBN lalo na kapag Disyembre sa tagline nilang "Bro, Ikaw ang Star ng Pasko", "Star ng Pasko" at "Family is Love," kung saan isa si Piolo sa mga laging ipinapakitang kumakanta.
At dito nag-butt-in si Ma’am Charo ng, "‘Yan, ha? Sabi ni PJ, kailan daw tayo mag-e-SID. Why not? Kapamilya forever?"
Sumagot kaagad ang aktor ng, “Kapamilya forever.”
Isa si Piolo sa mga prominenteng personalidad na nasa Station ID ng ABS-CBN dahil sila ‘yung prime artists ng network bukod pa sa pagiging loyal nila. Pero ngayong nasa TV5 na ang aktor para sa programang Sunday Noontime Live ay questionable na ang loyalty niya.
Pero ipinagdiinan niyang Kapamilya pa rin siya at nagtatrabaho lang naman dahil nga limitado ang nilalabasan ng mga artistang naiwan sa Kapamilya Network sanhi ng hindi pagbigay ng bagong prangkisa ng Kongreso.
Idinaan sa biro ng aktor nang banggitin ni Ma’am Charo na kailangan nang i-update ang
Lupang Hinirang video ng ABS-CBN na kinunan pa noong 2011 at ipinapalabas sa pagbubukas at pagtatapos ng palabas sa mga sinehan.
Biro ni Piolo, “Huwag, Tita, 'pag pinalitan ‘yun, baka mawala ako!”
Tumawang sabi naman ng dating presidente ng ABS-CBN, “Oo, huwag na. Baka nangangapit-bahay ka lang.”
At ipinagdiinan na ni PJ, “Nagtatrabaho lang po (TV5). But Tita, come on, that’s not something we talk about, but napakaliit ng industriya. Napakaliit ng mundo natin. I guess, tatanda po tayong magkakasama. And I’ll always be grateful for the chance to know people like you, especially you, Tita."
Muling pinasalamatan ng aktor si Ma’am Charo na nagsilbing guide niya sa lahat ng desisyon niya sa buhay dahil kung wala ang executive ay baka nagkamali siya at pinagsisihan ito dahil plano na pala niyang magretiro sa showbiz noong 2014.
“If not for your sound advice, siguro, I would have made some choices that I would regret. But you were there, you were always around, you always made yourself available for me whenever I needed it.
“It relaxed me, made me feel secure, knowing that I had a home, I had a place wherein I can grow and where I can be myself. So thanks for that," pahayag ni Piolo.
Samantala, mahigit kalahati ng buhay ni Piolo ay nasa ABS-CBN Star Magic na siya (24 years), kaya masasabing haligi na siya ng nasabing network at kahit na nasa Kapatid Network siya nagtatrabaho ay mananatili siyang Kapamilya, sabi niya.
Anyway, trulili kaya na pagkalipas ng 6 months o 1 year ay babalik na si Piolo sa Kapamilya Network?
Paano na ang Sunday Noontime Live?





Comments