Kahit may Kiko na… SHARON, IBINULGAR NA 'DI ITINAPON ANG WEDDING RING NILA NI GABBY
Julie Bonifacio - @Winner | May 21, 2021

Diretsahang sinagot ni Megastar Sharon Cuneta ang netizen na nagtanong kung nasaan na ang wedding ring nila ni Gabby Concepcion.
For the longest time, paulit-ulit nang inuusisa kay Sharon kung nasaan na ang wedding ring nila ng tatay ng panganay niyang si KC Concepcion.
Siyempre, napaka-priceless ng value noon. Although, tiyak naman na napakamahal talaga ng presyo nu’ng singsing during that time.
Also, walang katulad na ganu'ng level ang Sharon at Gabby wedding kumpara sa ibang showbiz weddings na nasaksihan natin until now.
Sa isa sa recent posts ni Sharon sa kanyang Instagram account kahapon, ini-reveal ni Mega sa social media kung nasaan ang wedding ring nila ni Gabby.
Sa IG post ni Sharon ng piktyur niya na naka-mask at nakasuot ng jacket na itim habang nakaturo ang isang daliri sa nakasulat na "I feel like Pablo" ay napansin ng netizen ang suot niyang diamond-studded ring on her index finger.
Samantala, sa mga daliri niya sa kabilang kamay ay suot naman niya ang gold ring na may malaking Garnet stone at sa isang daliri ay magkapatong ang kanyang diamond-studded wedding at engagement ring na may napakalaking diamond sa gitna.
Caption ni Mega sa kanyang IG post, “I do feel like Pablo. Not Kanye, but Pablo Cuneta. Oh Daddy…I miss you so much. Wish you were here to punch some people in the face for me! Hahaha!”
Nakatawag-pansin sa isang netizen ang mga suot na singsing sa mga daliri ni Sharon.
“Can’t help but notice all your rings. Sana all,” comment ng netizen.
Sagot ni Sharon, “Those are my other “wedding rings” for two different wedding anniversaries. The one ring on my other hand is my Daddy’s wedding ring.”
Nag-comment muli ang naturang netizen sa sagot ni Sharon.
“Oh and that big red ring is my birthstone, the Garnet. I always wear it. Someone said it’s supposed to be my ‘power ring.’ Naks.”
Dito na sumali sa usapan ang isa pang netizen at tinanong si Mega tungkol sa wedding ring nila ni Gabby.
“@reallysharoncuneta Ms. Mega I hope you won't mind my curiosity but did you keep your wedding/engagement ring from Gabby C?”
Sinagot naman agad ni Mega ang tanong ng netizen, “I gave my wedding ring to KC many years ago.”
So, meaning, 'di pala itinapon or ini-recycle at ginawan ng ibang design at ‘di rin ibinenta ni Mega ang wedding ring nila ni Gabby after their separation. Itinago pa rin niya and waited for KC to grow up.
Bongga ni KC! Tagapagmana siya ng mga heirloom ng kanyang rich and famous family. Doon pa lang, eh, walang dudang she’s the richest celebrity today.





Comments