Kahit may ‘K’ naman… CHARIZ, ‘DI KAYANG MAGING SEXY STAR
- BULGAR

- 3 hours ago
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | August 20, 2026

Photo: IG _chariz_solomon
Inamin ng TV host-actress na si Chariz Solomon na muntik na siyang sumabak sa pagiging sexy star noong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz.
Sa kanyang pagbisita sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), diretsahang tinanong ng King of Talk si Chariz, “Muntik ka nang maging sexy star?”
Pabirong sagot naman ni Chariz, “Ano sa tingin n’yo, guys?”
Ayon kay Chariz, nakikita raw sa kanya noon ang potensiyal para sa ganitong uri ng role, ngunit kalaunan ay napagtanto niyang hindi pala niya kayang gawin ang mga eksenang kinakailangan.
“Opo, ‘yun ‘yung na-feel nila sa ‘kin pero ‘di ko pala kaya, Tito Boy. ‘Pag gumaganyan-ganyan ako, parang nilalagnat ako, Tito Boy. ‘Di pala kaya, ibang klaseng kamandag pala ‘yun,” kuwento niya.
Hindi naman pinalampas ni Boy ang pagkakataong tanungin si Chariz kung tatanggap siya ng sexy role sakaling magkaroon muli ng offer.
“If you have an offer to do a sexy role, gagawin mo?” tanong ng host.
Ayon kay Chariz, kaya naman niyang gawin ang isang sexy role basta hindi ito sobra o masyadong lantad.
“Kaya ko naman po. Pero ‘di ko kaya ‘yung sobrang ano lang… seryoso? Siguro, kaya ko,” sagot niya.
At nang pabirong itanong kung may offer ba sa kanya ngayon, mabilis ang naging sagot ni Chariz, “Meron bang offer ngayon? Kaya ko. After Fast Talk.”
Well, why not, Coconut? Go, Girl! In fairness, sexy pa rin si Chariz. ‘Di ba naman, Buboy Villar?
Para lang makabili ng pet duck…
NADINE, PROUD NA NEGOSYANTE NA RIN ANG ANAK
SUPER proud mother ang aktres na si Nadine Samonte kay Heather matapos nitong ipakita ang sipag at determinasyon sa pagtitinda upang makaipon para sa kanyang gustong pet duck.
Sa isang social media post, ani Nadine, “As a mother, I’m so proud of you, Heather. At first, nahihiya pa s’yang magbenta, pero she really wants to buy a pet duck and gagawin n’ya talaga ang lahat para makaipon at mabili n’ya ‘yung pet duck n’ya.”
Kuwento pa ni Nadine, naisip din ni Heather na magbenta ng squishies dahil paborito niya ang mga ito.
Marami na rin umanong ideas ang kanyang anak at gusto na nitong magkaroon ng sariling online store.
“I will support her all the way,” saad ni Nadine.
Ang pet duck umano ang tanging regalo na gusto ni Heather para sa kanyang nalalapit na ika-10 kaarawan, dahil hindi pa raw talaga puwedeng magkaroon ng aso sa ngayon.
Kuwento pa ng aktres, noong unang araw na nagbenta si Heather ay nag-aalala ito kung may bibili sa kanyang paninda.
“Mom, what if nobody buys?” tanong daw ni Heather.
Payo naman ni Nadine sa kanyang anak, huwag itong mag-expect at maging okay lamang kahit hindi maubos ang paninda. Ngunit laking-gulat nila nang maraming bumili at halos maubos ang kanyang paninda.
Dahil walang pasok kinabukasan, nagdesisyon si Heather na muling magbenta. Kahit malakas ang ulan, hindi pa rin ito sumuko. At sa huli, sold-out muli ang kanyang paninda! Tuwang-tuwa si Heather sa naging resulta at mas lalo pa itong naengganyong magtinda at simulan ang kanyang sariling online store.
Nagpasalamat naman si Nadine sa kanilang mga kapitbahay na sumuporta sa kanyang anak.
“I’m so, so proud of you,” mensahe niya sa kanyang anak.
Samantala, hindi rin nagpahuli si Titus, na tila gustong tumulong sa negosyo ng kanyang ate.
Ayon kay Nadine, bawat bumibili ay binibigyan nito ng biscuit at juice — mga pambaon sana nila sa school.
“Mga pambaon nila sa school. Naku, lugi ang negosyo, Titus!” biro ni Nadine.
Bilib naman si yours truly sa mga apo ng mahusay na aktres na si Isabel Rivas, talagang bata pa lang ay marunong na sa pagnenegosyo.
Congratulations, Richard Chua at Nadine! Ang ganda ng pagpapalaki na ginawa ninyo sa inyong mga anak.
MULING nagpasaya nang bongga ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa noontime show na It’s Showtime (IS), sa segment na Laro Laro Pick.
Matapos piliin ng contestant na si Ocel ang Li-POT (lipat) na nagkakahalaga ng P30,000, nag-alok si Vice Ganda ng P50,000 sa sinumang makakasagot sa ‘Jack-POT’ (jackpot) question mula sa isang Kasambahay contestant.
Ang tanong, ano’ng ibig sabihin ng letrang ‘R’ sa acronym na PAR?
Agad namang nasagot ni Jengjeng na ‘Responsibility’ ang R sa PAR kaya naiuwi niya ang P50K.
Samantala, tig-P10,000 naman ang natanggap ng bawat contestant.
Isang malaking congratulations!





Comments