Kahit may bago nang labs, Carla... TOM, UMAMING MAY MENTAL ISSUE
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 24, 2024

Nang mag-guest si Tom Rodriguez sa programang Fast Talk with Boy Abunda, inamin niyang may pinagdaraanan siyang mental issue na kailangan niyang iresolba.
Although physically fit na siya upang magbalik muli sa pag-arte, may mga bagay pa siyang dapat ayusin upang makabalik sa normal na sitwasyon ang lahat.
Hindi nagbigay ng detalye si Tom Rodriguez kung ano ang mental issue na dapat niyang ayusin.
Ganunpaman, mukhang inspired siya ngayon dahil may bago na siyang karelasyon. Tatlong taon na mula nu’ng naghiwalay sila ni Carla Abellana. Tinanggap na ni Tom na hindi na puwede pang dugtungan ang kanilang nakaraan.
Inaayos na rin ngayon ni Carla Abellana ang annulment ng kanilang kasal.
Sa kanyang pagbabalik sa ‘Pinas ay naka-move on na si Tom sa bagong journey ng kanyang buhay. Kailangan niyang bumawi sa kanyang career. At thankful siya sa GMA Network sa suportang ibinigay at inunawa ang kanyang pinagdaanang marital problem.
Anyway, importante naman, may career pa rin siyang binalikan.





Comments