top of page

Kahit maraming kumukumbinse… DINGDONG, ‘DI PA RIN TATAKBONG SENADOR SA 2028

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 51 minutes ago
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 7, 2026



TEKA NGA - DINGDONG, ‘DI PA RIN TATAKBONG SENADOR SA 2028-FB Dingdong Dantes

Photo: FB Dingdong Dantes



Ilang beses nang lumulutang ang balitang tatakbong senador ang Primetime King na si Dingdong Dantes. Ilang election na ang nagdaan at lagi niyang sinasabi na wala siyang balak na pumasok sa political arena. Hindi niya inambisyon na maging senador.


Tumutulong siya sa mga nangangailangan pero wala siyang planong tumakbo sa anumang posisyon. Kahit hindi siya pulitiko ay puwede naman siyang tumulong sa mga charity projects. Masaya na siya at kuntento sa simpleng buhay at sa kanyang showbiz career.


Gayunpaman, patuloy siyang nilalapitan at kinukumbinse ng ilang political groups na tumakbong senador sa 2028 elections. Popular kasi si Dingdong at aktibo sa mga gawaing panlipunan.


Well, busy si Dingdong Dantes ngayong 2026. Bukod sa programa nitong Family Feud (FF), eere na rin ang bago niyang seryeng The Master Cutter (TMC) at dito ay kasama niya ang ilang malalaking artista tulad nina Max Collins, Paolo Contis, Tonton Gutierrez, Shuvee Etrata, Jo Berry, Rio Locsin, Max Eigenmann, Anthony Constantino at Sienna Stevens.


Iba’t ibang character o katauhan ang gagampanan ni Dingdong sa serye bilang bahagi ng kanyang misyon. 


Malawak ang scope ng serye na mala-pelikula ang dating. Ginastusan ito nang malaki at mapapanood sa GMA Network at Netflix simula May 11. Ang The Master Cutter ay mula sa direksiyon ni Dominic Zapata.





Kahit may BF nang sikat na manager abroad…

LIZA, ‘DI PA RIN SUMISIKAT SA HOLLYWOOD



Balitang-balita na ang Hollywood artist manager ni Liza Soberano na si Milano St. Patrick, na kilala rin bilang Saint Driptopher sa Instagram (IG), ang bagong boyfriend ngayon ng aktres pero hindi pa ito kumpirmado.


Marami raw connection itong si Milano sa mga key people na may koneksiyon sa Hollywood. Mahusay daw kasi itong deal closer kaya malaki ang maitutulong niya upang maka-penetrate sa Hollywood si Liza.


Pero mukhang hindi pabor ang mga fans sa Black American manager na si Milano St. Patrick. At halos dalawang taon na sa USA si Liza pero mabagal ang usad ng kanyang career.


Sana raw ay hindi na lang siya umalis ng Pilipinas. Tiyak namang kikita siya nang malaki kahit saang network pa siya lumipat. Hindi naman porke maganda siya ay pasok na siya kaagad sa Hollywood. Mas marami pang tisay at magaganda na hindi nakakamit ang Hollywood dream.





Kapalit ni Rhian…

FAITH KAY ALBERT NOON, KAY SAM NGAYON



Madalas ngayong nakikitang magkasama si Faith da Silva at ang businessman na si Sam Verzosa kaya hindi maiwasang isipin ng mga netizens na may something special nang namamagitan sa kanila.


Si Faith na ba ang ipinalit ni Sam kay Rhian Ramos?


Sabagay, pareho naman silang single. Walang tututol kung mauwi man sa seryosong relasyon ang kanilang madalas na pagkikita. Inaabangan ng lahat kung kailan sila aamin sa status ng kanilang relasyon.


Unang na-link noon si Faith kay Albert Martinez, pero pareho silang hindi umamin na nagkaroon sila ng relasyon.


Sa kanyang career nakatutok ang panahon at atensiyon ng aktres. Sobrang proud at grateful siya na nakasama sa cast ng fantaseryeng Sang’gre. Gumanap siya bilang si Flamarra, ang tagapag-alaga ng ‘Brilyante ng Apoy’. Mahihirap ang mga fight scenes na ginawa ni Faith sa Sang’gre pero na-enjoy raw niya ang kanyang character.


At sa pagtatapos ngayon ng Sang’gre, nami-miss ni Faith ang kanyang mga co-stars tulad nina Bianca Umali, Glaiza de Castro, Sanya Lopez, Angel Guardian, Ashley Ortega at Rhian Ramos.


Ang Sang’gre ang project na hindi malilimutan ni Faith da Silva. Marami siyang natutunan at isa itong malaking project ng GMA-7.





Tulad ni Mikee Quintos, naka-move on na rin si Heaven Peralejo matapos ang breakup nila ni Marco Gallo.


Masakit man ay tinanggap ng aktres na hindi sila talaga meant for each other. Minahal man niya nang todo ang aktor, magiging bahagi lang ito ng isang chapter ng kanyang buhay.


Hindi si Marco ang nakalaan na makasama niya habang panahon.

Iba-iba noon ang pananaw ni Heaven Peralejo sa pag-ibig. Para sa kanya, ang isang relasyon ay dapat na mauwi sa pagpapakasal at pagbuo ng pamilya.


Pero nang mag-break sila ni Marco, na-realize niya na may mga bagay na hindi talaga naipipilit kapag hindi itinakda ng tadhana. May mga lessons siyang natutunan.


Malaki ang naitulong ng kanyang pagbabakasyon sa Hawaii upang maka-move on siya sa paghihiwalay nila ni Marco Gallo.


No regrets si Heaven Peralejo sa nangyaring hiwalayan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page