top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kahit manok ni P-Du30, hinaharang… FANS, TUTOL NA TUMAKBONG SENADOR SI WILLIE

  • BULGAR
  • Jun 16, 2021
  • 2 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | June 16, 2021




Hanggang ngayon, hinihintay pa ng marami ang sagot ng Wowowin host na si Willie Revillame sa alok na posisyon sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbong senador sa 2022 national and local elections.


Matatandaang nagsisimula pa lang ang taong 2021 ay nagkausap na ang pinaka-right-hand ni P-Du30 na si Senador Bong Go at si Willie.


Sa meeting nilang 'yun ay tinawagan ni Sen. Go ang pangulo at ipinakausap kay Willie sa telepono.


Makaraan ang meeting na 'yun, kasunod naman ay ipinatawag ni P-Du30 si Willie sa Malakanyang at nag-dinner sila.


Naikuwento ni Kuya Wil ang kanilang pagkikita sa kanyang programang Wowowin: Tutok To Win.


Sambit ng mahusay na TV host, hinihimok nga raw siyang tumakbo ngayong darating na eleksiyon. Lalo raw darami ang matutulungan niya kung isa siyang public servant.


Ang sagot ni Kuya Wil, marami rin siyang natutulungan kahit wala siya sa pulitika. Public service na rin daw ang kanyang ginagawa dahil natutulungan niya ang mga tao.


Sa dami ng followers ni Kuya Wil sa kanyang programang Tutok To Win, malaki talaga ang tsansa niyang manalo.


Pero, marami ang nagsasabing huwag na siyang sumali sa pulitika. Iba raw kasi ang laro sa mundo ng politics at baka makasira lang sa kanya.


Sabagay, kung ginusto ni Kuya Wil na pumasok sa pulitika, dapat ay noon pa.


Natatandaan naming una na siyang kinumbinse ni dating Senador Manny Villar na kumandidato, pero tinanggihan niya ang kaibigang senador.


Sabi nga ng mga followers ng TV host, “Sana, kung ano ang pamantayan ni Kuya Wil noon ay hindi pa rin magbago. Marami naman siyang natutulungan kahit wala siya sa pulitika.”


“Okey din naman kung may calling na talaga para kay Kuya Wil ang pulitika. Mas marami pa siyang matutulungan.”


“Susuportahan naman namin si Kuya Wil, kaya lang, may agam-agam lang kami kapag senador na siya, baka mahirap na siyang lapitan.”


'Yan lang ang bumabagabag sa kalooban ng mga tagasuporta ng butihing TV host.


Naku, malalaman na lang po natin 'yan kapag nagsalita na si Kuya Wil regarding this matter.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page