top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kahit mala-J.Lo ng ‘Pinas sa kaseksihan… HIRIT NG KAMPO NI DEREK: ANDREA, ‘DI KAWALAN!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 19, 2021
  • 1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | February 19, 2021




Grabe ang reaction ng mga showbiz friends ni Andrea Torres sa bago niyang post na photo suot ang white na parang swimsuit. Hindi namin alam ang tawag sa suot niya, pero labas na labas ang kaseksihan ng isa sa leading ladies ni Dennis Trillo sa Legal Wives.


Bumaha ang mga komentong: “Fire,” “Grabee,” “Wow,” “Ganda,” “Damn girl!!!” “Hot,” at “TABEEE! Dadaan ang J.Lo ng ‘Pinas” sa litrato kung saan mala-Jennifer Lopez nga ang dating ni Andrea.


Maging sina Valeen Montenegro at Ashley Rivera, nagsabi ring mala-J.Lo ang dating ni Andrea sa naturang litrato.


Kahit nga si Ruru Madrid, napa-comment na grabe ang kaibigan niya at sa sagot ni Andrea, tinag nito si Bianca Umali.


Nagkaroon lang ng sagutan ang mga followers nina Andrea at Derek Ramsay nang may mag-comment ng “Derek, ako nga pala ‘yung sinayang mo.”


Sagot ng fan ni Derek, hindi kawalan si Andrea sa aktor. Dagdag pa nito, tigilan na ng mga fans ni Andrea ang pagbanggit sa pangalan ni Derek, na malabo pang mangyari sa ngayon.


Anyway, sa May pa raw ang worldwide premiere ng Legal Wives dahil gusto ng GMA-7 na tapos na tapos na ang locked-in taping bago isalang for airing para nga naman maging pulido ang cultural drama lalo’t may ilang taong nag-iingay na sa project na ito ng Kapuso Network.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page