Kahit makipaghalikan daw siya sa iba, Jak… BARBIE: PAGDATING SA TRABAHO, WALANG PAKIALAMANAN!
- BULGAR
- Sep 5, 2023
- 2 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | September 4, 2023

Kung si Barbie Forteza ang tatanungin, ang boyfriend na si Jak Roberto ang ikino-consider na niyang “the one” para sa kanya.
“Wala naman kasi akong ibang hinahanap because like I said, I am very secure with my relationship, so hindi naman ako naghahanap. So, yes, safe to say, he is (the one),” sey ni Barbie nang makatsikahan namin siya sa mediacon ng Maging Sino Ka Man na pinagsasamahan nila ni David Licauco at mapapanood na sa Sept. 11.
One thing na ipinagmamalaki ni Barbie sa relasyon nila ni Jak ay may tiwala sila sa isa’t isa at hinahayaan din nilang mag-grow ang isa’t isa pagdating sa kani-kanilang karera.
Never daw siyang kinontrol ni Jak pagdating sa trabaho or binawalan sa kissing scene at ganu’n din daw siya sa boyfriend.
“Because naging magkarelasyon kami na parehas na kaming may pinapangalagaang image and reputation, so naging malinaw sa amin na pagdating sa karera, walang pakialamanan.
Pagdating sa trabaho, walang pakialamanan,” pahayag ni Barbie.
“Ako, I know what I want, alam ko kung anong career path ang gusto ko, so alam ko kung ano’ng dapat kong gawin. Hindi ko kailangan ng boyfriend para magsabi sa akin kung ano’ng dapat kong gawin,” dagdag pa niya.
Kaya ang payo niya sa mga kababaihan pagdating sa pakikipagrelasyon, humanap daw ng partner na mas pinapasaya ka at hindi ka ini-stress.
“Basta, dapat ‘yung partner n’yo ay tinutulungan kayong mag-grow into a better person.
Dapat ‘yung partner n’yo will serve more as an inspiration more than destruction, ‘di ba?
“Mas pinapasaya ka kesa ini-stress ka at mas tinutulungan kang i-improve ang sarili mo like hindi ka ikinakahon or hindi ka pinipigilang gawin kung ano ‘yung gusto mo,” sey ni Barbie.
Sa panahon ngayon ay ayaw na raw ng mga kababaihan na kinokontrol ng kanilang partner.
“Ayaw na natin ng sinasabihan tayo kung ano’ng dapat gawin. Alam na natin ‘yun,” sey pa ng aktres.





Comments