Kahit mahal na mahal daw siya ng aktor... RITA, UMAMIN NA KUNG BAKIT AYAW MAGING BF SI KEN
ni Nitz Miralles - @Bida | June 21, 2021

Finally, mapapanood na ang Ang Dalawang Ikaw na muling pinagtambalan nina Ken Chan at Rita Daniela.
Mas mature ang role na gagampanan ng dalawa sa bagong Afternoon Prime ng GMA-7 at dahil mag-asawa sila rito, marami silang ginawang kissing, bed at love scenes.
Tanong tuloy ng mga RitKen fans, hindi pa rin ba nagkaka-develop-an ang dalawa? Hindi pa rin ba sila?
Sagot ni Ken, “Ako, ang mapa-promise ko kay Rita na kahit na ano’ng mangyari, hindi ako mawawala sa buhay mo. Kahit na ano’ng tahakin mo, I’m just here. Nandito lang ako. Alam mo ‘yan. Iba po ‘yung relationship namin ni Rita. Hindi ako mawawala sa buhay niya kasi mahal ko siya.”
Ayon naman kay Rita, marami na silang hirap para sa career nila. Malinaw na rin daw sa kanila na career muna dahil sayang ang pagkakataon at tiwala ng network na ibinibigay sa kanila.
“Sisirain ba namin ‘yun dahil lang we want to be together in real life? Saka, ganito lang ‘yan, kapag naging boyfriend ko si Ken, I’ll lose him as my friend - as my best friend. So, kapag hindi nag-workout ‘yung relationship namin, malu-lose ko s’ya... malu-lose ko ‘yung best friend ko... malu-lose ko ‘yung boyfriend ko. So, ano’ng mas pipiliin ko?”
Hindi lang ang love scene nina Ken at Rita ang aabangan sa Ang Dalawang Ikaw kundi pati ang husay nila sa pag-arte lalo’t ang role ng aktor ay may dissociative identity disorder (DID) at nagkaroon ng alternating personality.





Comments