top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Kahit magkaiba ng network… MICHAEL V. AT OGIE, TOGETHER AGAIN

BULGAR
May 1, 2021
1 min read

Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | May 1, 2021




Hindi man nagkakasama ngayon sa isang show ang mag-BFF na sina Michael V. at Ogie Alcasid dahil magkaiba sila ng network, puwede naman silang mag-tandem sa ibang projects, maging sa pelikula.


Isang malaking softdrinks commercial ang kanilang pagsasamahan at bagay sa kanila ang concept tungkol sa tunay na pagkakaibigan. Tiyak na ikatutuwa ito ng kanilang mga tagahanga na matagal nang nami-missed sina Ogie at Bitoy.


Matagal din silang nagkasama noon sa Bubble Gang at dito patok na patok ang kanilang Yaya and Angelina character. Nagkahiwalay man, lagi namang in touch sa isa't isa sina Michael V. at Ogie A. lalo na noong madale ng COVID si Bitoy.


Mahal ni Michael V. ang kanyang mga shows sa GMA Network, ang Bubble Gang at Pepito Manaloto. Kaya kahit may pandemya ay sinisikap nilang makapagbigay ng nakakaaliw na sitcom.


Sa episode ng PM sa araw na ito ay maraming sablay at kapalpakang magaganap sa buhay ni Pepito (Michael V.). Pero, sa halip na mainis at masira ang mood, pinairal pa rin niya ang lamig ng ulo at hindi nagpaapekto.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page