Kahit last choice na… DOC WILLIE, ATRAS MAG-SENADOR KAY YORME ISKO, PINAG-VP, PUMAYAG
ni Janiz Navida @Showbiz Special | October 6, 2021

Nakausap namin kahapon ang vice-presidentiable na si Doc Willie Ong sa Zoom mediacon ng I Will: The Musical na based sa life story ng sikat na public figure.
Naipalabas na last year ang I Will: The Musical na pinagbibidahan nina Gerald Santos at Paulina Yeung na gumaganap bilang ang mag-asawang sina Doc Willie and Dra. Liza Ong.
Pero sa Oct. 16, muling ipapalabas sa KTX.ph ang nasabing musical na idinirek ni Doc Rommel Ramilo dahil gusto raw ni Doc Willie na makapag-inspire ng maraming Pinoy na ngayon ay dumaranas pa rin ng depression at mental health problem dahil sa pandemya.
Nilinaw naman agad ni Doc Willie na hindi campaign material ang I Will: The Musical dahil aminado siyang maliit na market lang ang maaabot nito sa online streaming.
Pero dahil tatakbo nga siyang VP sa 2022 national elections bilang runningmate ni Manila Mayor Isko Moreno, natanong pa rin si Doc Willie kung paano nabuo ang tandem nila.
Kuwento ng doktor-vlogger at frustrated singer-composer (sabi niya po 'yan, hehe!), una pala siyang inalok ni Yorme Isko para makasama sa senatorial line-up ng partido nito, pero tinanggihan niya.
Sabi raw ni Doc Willie kay Yorme, "Ayokong sumama sa 'yo, maba-bash ako, eh. Gusto ko, tahimik lang na buhay."
Wala raw talaga sa intensiyon niyang pumasok sa pulitika dahil nakakapaglingkod naman siya sa ating mga kababayan through his YouTube vlog.
Pero hindi raw siya tinantanan ni Mayor Isko at nu'ng sumunod siyang balikan nito, inalok na siyang maging VP dahil ang gusto raw mangyari ng alkalde, bigyan nila ng priority ang health problem sa bansa at tapusin ang pandemic, paglaanan ng bilyong budget ang kalusugan na of course, magkasama nilang sosolusyunan.
Dahil du'n kaya raw siya nakumbinse ni Yorme Isko at wala raw issue sa kanya kahit nalaman niyang last choice siya bilang VP nito dahil nabanggit din ni Doc Willie na una na palang inalok ni Mayor Isko na maging runningmate sina Sen. Grace Poe, Sen. Manny Pacquiao, VP Leni Robredo at Cebu Gov. Gwen Garcia.
Anuman daw ang maging kapalaran nila sa 2022, pramis naman ni Doc Willie na tutulong at susuporta pa rin siya sa magiging pangulo at itutuloy pa rin niya ang kanyang pagba-vlog para makapaglingkod sa ating mga kababayan.
Very supportive rin naman ang kanyang misis na si Dra. Liza kahit saan pa mapunta si Doc Willie Ong.
Samantala, ang I WILL : The Musical showcases 24 original songs composed by award-winning stage director Antonino Rommel Ramilo. He also wrote the libretto and directed the musical. Music arrangement was by Jason Cabato. TJ Ramos and Antonino Rommel Ramilo were the show’s co-musical directors. Assistant stage director was Matt Manalaysay.
Online streaming at KTX.ph is on October 16, 2021.





Comments