Kahit hiniwalayan ni Derek sa telepono… ANDREA, OBYUS NA FRESH AT WALANG PROBLEMA
ni Nitz Miralles - @Bida | May 03, 2021

Birthday ni Andrea Torres bukas, May 4, at 31 years old na siya. To celebrate, nag-post siya ng new photos at sey ng kanyang mga followers, hindi lang siya maganda, fresh pa at may peace ang datingan.
Simple and short lang ang caption ni Andrea sa kanyang post na: “Chapter 5 of 12 Birth month.”
Inulan naman ng birthday greetings at positive comments ang post ng aktres.
Sa isang interview, nabanggit ni Andrea na mas may peace of mind na siya at focus sa blessings at magagandang nangyayari sa buhay niya ngayon.
Kasama sa blessings na natanggap ni Andrea ay ang pagkasama niya sa cast ng Legal Wives ng GMA-7 na kapag nag-airing na, pag-uusapan at pagdedebatehan ng mga viewers.
Natanong din si Andrea sa breakup nila ni Derek Ramsay, na dahil sa ilang months na rin naman ang lumipas, ayaw na rin nitong gawing isyu. ‘Wag na raw mag-focus sa nangyari at mas bigyang pansin ang magagandang dumarating sa buhay niya.





Comments