top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Kahit hinay-hinay na raw sa yosi… NORA, INATAKE NG SAKIT, NAKA-WHEELCHAIR

BULGAR
Jul 1, 2021
2 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | July 01, 2021




Nabahala ang mga fans ng Superstar na si Nora Aunor sa ipinost niya na piktyur na nakatingin sa mga halamang nakasabit sa pader sa kanyang Facebook page recently.


Caption ni Ate Guy sa kanyang FB post, “Mapagpalang umaga po sa mga minamahal kong Noranians at mga kaibigan, isang magandang araw po sa lahat.”


Nagtataka ang mga netizens kung bakit nakaupo sa wheelchair si Ate Guy habang minamasid ang mga halaman sa pader.


Pinakalma naman ang mga nag-aalalang fans ni Ate Guy ng may account name sa Facebook bilang si Tamz Tamzkie.


“Thank u Tami for taking care of Nora Aunor. I hope she will have a checkup every 3 months para maagapan agad kung anuman ang sakit ni Guy. I'm not comfortable seeing Nora na hinihingal at naka-wheelchair. Hope everything is fine. May God bless u always, Guy."

Nagpasalamat si Tamz sa concerned fan ni Ate Guy.


“Marami pong salamat sa pag-aalala kay Ma'm. 'Wag po mag-alala lahat ng nagmamahal kay Ma'm dahil we are doing everything po para mas maging malakas po siya that includes checkup and everything needed to be done po, and she is taking all the vitamins prescribed by her doctor po."


Ini-reveal din ng netizen na nag-slow down na sa paninigarilyo si Ate Guy.


“Good to know that she is trying to slow down sa smoking n’ya. I’m always praying for her stronger and healthier body. Thank you Tami for taking care of her."


To confirm everything, hiningan namin ng comment via text message ang isang very reliable source at pinakamalapit na showbiz writer kay Ate Guy ngayon na si Rodel Fernando.


“'Yung dati pa ring sakit niya na madalas hingalin dahil sa asthma. Pero ngayon, 'di na tulad dati kung sumpungin (ng) asthma niya,” sabi ni Rodel.


Ipinaliwanag din ni Rodel kung bakit naka-wheelchair si Ate Guy.


“'Yung naka-wheelchair siya na pic (piktyur), gusto lang ng nag-aalaga sa kanya para 'di siya hingalin,” esplika ni Rodel.


May ibang fans daw kasi na mahilig magbigay agad ng ibang kahulugan.

“Ayaw nga ni Ate Guy mag-wheelchair pero gusto ng nag-aalaga sa kanya 'yun. Ayaw niyang mapagod.”


Ayon pa kay Rodel, nu’ng isang araw ay nandoon siya mismo sa bahay ni Ate Guy. Inaayos daw ni Ate Guy ang mini-museum sa bahay niya kung saan ilalagay ang mga trophies, memorabilia at anik-anik pa na collection ng Superstar.


Si Ate Guy din daw mismo ang nag-decorate ng mini-museum sa kanyang bahay.


Wow!






Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page