Kahit gold medalist sa Tokyo Olympics… PACQUIAO, WA' SUPORTA KAY HIDILYN?
- BULGAR
- Jul 30, 2021
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | July 30, 2021

Kung hindi pa nanalo ng gold medal ang weightlifter na si Hidilyn Diaz sa Tokyo Olympics 2020, hindi pa mari-realize ng ilang pulitiko at malalaking kumpanya na kaya rin pala ng mga Pinoy athletes ang makipagtagisan ng lakas sa mga atleta ng malalaking bansa na sumasali sa Olympics.
Halos isang siglo (97 yrs.) pa ang lumipas bago gumawa ng record sa Olympics ang Pilipinas.
Si Sgt. Hidilyn Diaz na isang active member ng Air Force at tubong-Zamboanga ang nagtayo ng bandila ng ating bansa!
Kinaya niya ang lahat ng hirap, pagsubok at kakapusan ng financial assistance sa panahon na nagte-training siya sa Malaysia para sa Tokyo Olympics.
Hirap na hirap siya noon na makakuha ng sponsors para sa kanyang training. Pero, hindi basta sumuko si Hidilyn dahil gusto niyang bigyan ng karangalan ang ating bansa.
Kaya ang tanong ng mga netizens, bakit si Sen. Manny Pacquiao na isa ring athlete at ngayon ay isa nang billionaire ay hindi man lang nababanggit na tumulong kay Hidilyn?
Dapat nga raw ay sinusuportahan din ngayon ni Sen. Pacquiao ang mga Pinoy boxers na nakikipag-compete sa Tokyo Olympics.





Comments