top of page
Search
  • BULGAR

Kahit ‘di pa rin daw sinasagot… JM, UMAMING SI DONNALYN NA ANG THE ONE NIYA

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Abril 14, 2024



Hanggang ngayon ay nanliligaw pa rin pala si JM de Guzman sa singer/vlogger na si Donnalyn Bartolome at hindi pa rin siya sinasagot ng dalaga.


“Nanliligaw pa rin po ako,” nakangiting sabi ng aktor nang makatsikahan namin kahapon sa mediacon ng upcoming film niyang Guilty Pleasure.


Bakit hindi pa siya sinasagot gayung ang daming babaeng naghahangad na maging girlfriend niya?


Natawa si JM at paliwanag niya, “Siguro, naninigurado lang kasi baka pangit ‘yung panliligaw ko. Baka may mga sablay siguro.”


Pero inamin naman niyang masasabing ‘exclusively dating’ sila ni Donnalyn. ‘Yun nga lang, wala pa raw relationship.


One year na raw siyang naghihintay ng matamis na ‘oo’ ng nililigawan at patuloy daw siyang magtitiyaga dahil para sa kanya, si Donnalyn na ang ‘the one.”


Samantala, sa Guilty Pleasure ay makakatambal ni JM for the first time si Lovi Poe at personal choice siya ng aktres na maging leading man. Ngayon pa lang ay nape-pressure na siya sa pagsisimula ng kanilang shooting.


Saan siya nape-pressure?


“Hindi ko po ma-pinpoint kung ano ‘yung meron kay Lovi pero siguro how she handles herself. And kung napapanood ko siya, ang galing-galing niya and how she presents herself, sobrang humble, sobrang confident. Parang medyo may intimidation din ako,” he said.


Aminado siyang bumaba ang self-esteem niya lately kaya nang malaman niyang ini-request siya ni Lovi ay hindi raw siya makapaniwala.


“Kasi, ‘di ba, parang medyo lumaki ako, tapos parang medyo nabawasan ‘yung confidence ko, self-esteem ko, nabawasan din, and ‘yun, hindi ako makapaniwala pero kinilig pa rin ako,” sey ni JM.


Mula sa direksiyon ni Connie Macatuno, kasama rin nila sa pelikula si Jameson Blake produced by Regal Entertainment. Natapos na nila ang look test at story conference and malapit na nilang simulan ang shooting.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page