top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kahit buking na sa mga ebidensiya… PAOLO, TODO-DENY NA 10 DAYS SILA NI YEN SA BAGUIO

  • BULGAR
  • Sep 14, 2021
  • 2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | September 14, 2021



Sinagot ni Paolo Contis ang tanong ng sambayanan kung ilang araw ba talaga silang magkasama sa Baguio ni Yen Santos.


Pinagdedebatehan nga kasi ng mga netizens na hindi raw isang araw lang magkasama sina Yen at Paolo at naglabas pa sila ng mga ebidensiya ng mga larawan ng dalawa with matching dates bilang pagpapatunay. Some say na 5 days magkasama ang dalawa at may nagsasabi namang 10 days.


Taliwas ito sa naging statement ni Paolo last week na isang araw lang silang magkasama ni Yen sa Baguio.


Sa latest vlog ni Ogie Diaz ay sinabi niyang naka-text niya si Paolo at ayon sa aktor ay naloloka na nga rin daw siya.


“Ang sabi nila, 5 days daw kami sa Baguio ni Yen. May nasulat naman, 10 days daw kami. Pakisabi gawin na nilang 30 days para happy sila. Hahaha!” mensahe ni Paolo na binasa ni Ogie.


But on a serious note, idinetalye ng aktor ang kanyang aktibidades sa panahon na sinasabing magkasama sila ni Yen sa Baguio.


“Paano mangyayari ‘yun? Aug. 28, nagpabakuna ‘ko sa Caloocan. Aug. 30, nag-taping ako ng Bubble Gang. Sept. 3, taping ako ng Dear Uge. So, ano ‘yun, inaaraw-araw ko ang akyat-panaog sa Baguio? Ano ‘to, road trip every other day?” sabi raw ni Paolo.


Paliwanag pa ng aktor, may mga nagpa-picture pa raw sa kanya noong nagpabakuna siya last Aug. 28.


“Saka, ang nakakaloka pa dito, ang daming paparazzi at ang daming curious sa everyday schedule of events ko. Nagtataka lang ako, eh, ang daming nagpa-picture sa akin noong Aug. 28 na nagpabakuna ako sa Caloocan, ba’t walang nag-post? Hahaha!


“Now is the best time, i-post n’yo ‘yun dahil pinagbibintangan akong 5 o 10 araw ako sa Baguio. Sayang, walang CCTV noong nagpabakuna ako,” ani Paolo.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page