Kahit break na… HEAVEN AT MARCO, UMAMING ANG ISA’T ISA PA RIN ANG GUSTONG KASAMA

ni Nitz Miralles @Bida | November 25, 2026

Photo: FB Circulated
May tsansang magkabalikan ang ex-couple na sina Heaven Peralejo at Marco Gallo. May kilig pa rin sila sa isa’t isa at ramdam ang lowkey flirting sa kanilang palitan ng salita kapag nagkakasama.
Sa launching ng Viva One at sa harap ng media, inamin ng dalawa na they miss working together, kaya masaya sila na binigyan sila ng new project.
“It’s weird working with your ex, but I’d rather work with my ex than other actresses,” sabi ni Marco.
Thankful naman si Heaven sa MarVen fans nila ni Marco.
Sey ng aktres, “Grabe ang support nila. We’re here because of the fans. Also, masaya ako na katrabaho ko uli si Marco. ‘Di ko rin ma-imagine working with another actor.”
May pamagat na I Watched Him Fall for Someone Else ang Viva One series nina Heaven at Marco, na hango sa bestselling Wattpad story ni Beeyotch.
Si Gino M. Santos ang director nito na mapapanood sa Viva One sa 2027.
Inulan ng pagbati ng mga celeb friends…
RAYVER AT JULIE ANNE, PROUD NA PROUD NA ‘FIANCEE’ AT ‘FIANCE’ NA ANG TAWAGAN
RAMDAM ang kilig ng engaged couple na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz sa bago nilang label at term of endearment. Hindi na lang sila girlfriend and boyfriend kundi ‘fiancée’ at ‘fiancé’ na.
Nauna si Rayver sa pag-comment ng “Mahal na mahal kita, my fiancée.”
Sagot ni Julie, “@rayvercruz I love you so much, fiancé. Yieeee!”
Oh, ‘di ba? Nakakakilig at in love talaga ang JulieVer sa pag-level-up ng kanilang relasyon. Kapag ikinasal na, mababago ang term of endearment nila.
Samantala, ramdam din ang saya ng mga showbiz friends ng couple. Ang daming nag-congratulate sa kanila.
Mensahe ni Ogie Alcasid, “How beautiful!!! So excited and happy for you both.”
Ani Dingdong Dantes, “Congrats!”
Sey ni Direk Mark Reyes, “I’m so happy for you, guys!!”
Sambit ni Marian Rivera, “Yaaay!”
Sabi ni Manilyn Reynes, “Yay! So happy for you @myjaps & @rayvercruz.”
Hirit ni Jay-R, “Yiiiee! Congrats you two!”
Pagbati ni Mark Bautista, “Congrats, JulieVer!”
Bati ni Iza Calzado, “Congratulations and best wishes. So happy for you guys!!!”
Sambit ni Rufa Mae Quinto, “Congratulations!”
Sabi ni Morissette, “Aww, congrats you two!”
Komento ni Edgar Allan ‘EA’ Guzman, “Napakatamis!!! Love you both, brodies.”
Bati ni Yeng Constantino, “Congrats you twooo!”
Sabi ni Zack Tabudlo, “Congrats, guys!!”
Komento ni Mariz Umali, “Bagay na bagay na bagay kayo, sobra.”
Ilan lang sila sa masasaya para sa JulieVer. Ang iba, pinusuan ang post ng dalawa, at ang iba ay nag-comment ng emoji na happy.





Comments