Never sey die kay kris… MARC, SUOT ANG YELLOW SHIRT NI NINOY, PUMUNTA SA HACIENDA LUISITA
ni Nitz Miralles @Bida | November 30, 2023

Suot ang yellow Ninoy Aquino t-shirt at katabi ang photo ng late senator, ipinost ni Marc Leviste ang larawan niya nang pumunta sa The Aquino Center ng Hacienda Luisita.
Akala namin sa birthday ni Ninoy noong November 27 ang okasyon. Kaya lang, ang nakasulat ay “Ninoy and Cory Aquino Foundation” at may nakasulat pang “Congratulations.”
Pinuri si Marc dahil sa mga nakarelasyon daw ni Kris Aquino, siya lang ang nagpakita ng paggalang sa mga magulang at mga kapatid nito. Bumilib din ang iba sa devotion at haba ng pisi ni Marc pagdating kay Kris. Binreyk na nga naman siya ni Kris twice o thrice na, pero hindi pa rin bumibitaw.
May mga nag-iisip naman na hindi talaga mahal ni Marc si Kris at ginagamit lang dahil pulitiko siya. Hindi sinagot ni Marc ang comment na siguradong nabasa niya dahil sinagot niya ang mga nauna at sumunod na comments.





Comments