Search
  • BULGAR

Kahit binash sa community pantry… ANGEL, NAMIGAY NG DATUNG SA UMIIYAK NA TATAY SA OSPITAL


Julie Bonifacio - @Winner | May 04, 2021




Ayaw paawat ng Kapamilya actress na si Angel Locsin sa pagtulong. Hindi pa man humuhupa ang isyu sa pagkamatay ng isang senior citizen sa itinayong community pantry nu’ng birthday niya, meron ulit siyang tinulungan.


Isang umiiyak na tatay dahil sa baby niyang maysakit ang nakita ni Angel sa clinic sa loob ng ospital at inabutan ito ng tulong.


Naka-post sa Twitter under the account name na @dagamiRRT, na ang tunay na pangalan ay Beverly Dagami, ang video ni Angel kung saan kinakausap niya ang umiiyak na popshie.


Habang kausap ang ama ng bata ay kumuha ng pera sa kanyang bag si Angel at saka iniabot sa lalaki.


Kung hindi kami nagkakamali, si Dagami ang frontliner na nakasuot ng blue PPE na kasama ni Angel sa piktyur sa separate na post.


Narito ang buong post ni Beverly Dagami @dagamiRRT, "'Yung bigla siyang lumapit sa tatay ng isang baby kasi naririnig niyang umiiyak. At pati kami ay nagulat sa actions ginawa niya. Myghaaad. Sana marami pang katulad niyo!!!


"Akala ko sa mga news ko lang makikita ganon eksena. Pero literal totoo. Huhu. God bless!”

Ang dami namang pumuring netizens kay Angel dahil sa kanyang ginawa.


“Angel talaga.”


“Salamat kay Angel at natulungan si baby and papa n'ya. God bless you pa more, Angel Locsin.”


As expected, may bashers din ni Angel ang nag-post ng comment.


“OA na 'yung mga PUBLIC DISPLAYS of pamalat bunga charity. Too much self-promotion na.”


May nagtanggol naman kay Angel from her bashers.


“Lakampake. Basta may natulungan s'ya. Mas OA 'yung angal mo.”


“Ba't s'ya ba nag-video sa sarili n'ya? Ikaw nga, walang tulong, eh, ha-hanash ka pa.”


“'Di niya kasalanan kung may nag-video sa kanya at ipinost. Duh, nega mo! Ikaw kaya, lalapitan mo ba 'yung tatay na umiiyak at bibigyan mo ng pera? Baka dadaanan mo lang. 'Wag kang ano d'yan.”


Samantala, may hanash pa rin ang ilang netizens sa mga pumunta sa community pantry ni Angel, “Kumusta naman kaya 'yung mga nagpunta sa community pantry niya at naging COVID positive?”


Sinopla naman ito ng supporter ni Angel, “She’s doing everything to help them. Eh, ikaaawww?”


But we wonder kung ano ang ginagawa ni Angel sa naturang clinic, specifically sa IRRT (Intermittent Renal Replacement Therapy).


Ayon sa Google, ang IRRT ay proseso para sa mga pasyente with severe acute kidney injury.


Ayaw naming manghula kung ano ang koneksiyon ni Angel dito. Basta ang napansin lang namin sa vìdeo, mukhang pumapayat na si Angel, ha?


For sure, inihahanda na ni Angel ang kanyang sarili sa nalalapit na kasal nila ng kanyang fiancè na si Neil Arce.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.