ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | January 10, 2024
Sa nasabing mediacon ay masayang-masaya si Jennylyn Mercado na talagang hinintay siya ng management at buong cast para gawin ang serye.
“Siyempre, nagpapasalamat ako na hinintay ako ng GMA, hinintay ako ni Xian. Kasi siyempre, puwede naman po akong palitan, ‘di ba? Ilang araw pa lang naman ‘yung naisu-shoot namin,” ani Jen.
Aminado ang Kapuso Ultimate Star na kinabahan din siya na baka palitan siya sa serye.
“Kinabahan ako kasi sabi ko, ‘Naku, baka hindi na ibigay sa akin.’ Ang ganda pa naman ng project. Tapos, first time kong makakasama si Xian. So, thankful ako na ibinigay pa rin nila sa akin ‘to,” sey ni Jen.
Kakaiba ang kuwento ng Love. Die. Repeat dahil naka-stuck ang kanilang karakter sa time loop at paulit-ulit na nangyayari ang mga insidente sa kanilang buhay.
When asked kung sa totoong buhay ay may pag-ibig ba siya na namatay at inulit, ani Jen, ganito nga raw ang nangyari sa kanila ng mister na si Dennis Trillo. Naghiwalay na nga sila before and nagkabalikan lang uiit.
“Kami ni Dennis, ‘di ba ganu’n? ‘Di ba, nag-repeat? Nanalo ang pagmamahal,” aniya,
Ngayong 2024 ay magtutuluy-tuloy na ang pagbabalik ni Jen at may gagawin din siyang 2 pelikula plus may gagawin din siyang album sa Star Records.
Magsisimula na ang Love. Die. Repeat sa January 15. Bukod kina Jen and Xian ay kasama rin sa serye sina Mike Tan, Valeen Montenegro, Ina Feleo, Valerie Concepcion, Nonie Buencamino, Malou de Guzman at marami pang iba mula sa direksiyon nina Jerry Sineneng and Irene Villamor.
Comments