Kahit beauty queen pa raw, pumila… PIA, NAPATINGIN KAY DK NG GRUPONG SEVENTEEN, SINOPLA NG FANS
- BULGAR
- Feb 29, 2024
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | February 29, 2024

Nakakaaliw ang video na ipinost ni Pia Wurtzbach na habang naglalakad papunta sa isang fashion show, she tripped at muntik madapa. Mabuti at nahawakan ng kanyang nakasalubong, dahil kung hindi, tuloy ang kanyang pagkadapa.
Nag-sorry at nagpasalamat si Pia sa mama na kanyang nakasalubong at nabangga, na siya ring tumulong para hindi siya tuluyang madapa.
Sabi nito, muntik siyang magkaroon ng mini-heart attack. Imagine ang magiging headline kung nadapa si Pia? Nakakatuwa rin na hindi in-edit ng team ni Pia ang minor accident na ‘yun.
And speaking of Pia, ang cute ng convo niya sa Pinoy Carats fans (tawag sa fans ng K-pop group na Seventeen).
Nakita kasi sa video clip na tiningnan ni Pia ang member ng Seventeen na si DK na dumalo rin sa Bally Fashion Show at nakantiyawan siya ng mga fans.
Biniro si Pia ng Carats na kahit beauty queen siya, pumila pa rin sa mga humahanga kay DK, at sagot nito, ‘wag daw magalit ang mga fans, napatingin lang siya.
Sagot pa ng mga fans, naninigurado lang sila na walang singitang mangyayari.
Anyway, malapit nang magtapos ang Milan Fashion Week at tila hindi matatapos ang bardagulan ng mga fans nina Pia at Heart Evangelista. Isa sa mga iniisyu kay Pia ng mga fans ni Heart, bakit ngayon lang naiimbita sa mga fashion week ang beauty queen, gayung matagal na siyang nanalong Miss Universe?
Samantalang si Heart daw, kahit hindi naging beauty queen, suki sa mga fashion week.





Comments