top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kahit bawal na… ISKO, NABANGGIT PA RIN ANG EAT BULAGA! SA SHOW

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 7, 2024
  • 1 min read

ni Nitz Miralles @Bida | January 7, 2024




Mabilis nag-sorry si Isko Moreno nang mabanggit ang Eat… Bulaga! habang nasa coverage sila ni Buboy Villar ng noontime show ng TAPE, Inc..


“Ay, sorry po, nagkamali, tao lang po,” pagso-sorry ni Isko.


Bawal na kasi nilang gamitin ang Eat… Bulaga! at pati pagbanggit ng title ay bawal na, dahil sa desisyon ng Regional Trial Court (RTC) Branch 273 ng Marikina City, ipinagbawal na ng korte sa TAPE at GMA-7 na gamitin ang trademark na Eat… Bulaga!, EB! at pati ang jingle ng Eat… Bulaga!, hindi na rin magagamit.


Sumunod naman ang TAPE, kaya lang, nasanay na si Isko at sa episode nga ng show nila kahapon, nabanggit niya ang nasabing title. Kaya mabilis siyang nag-sorry sa TVJ at sa viewers. 


Tanong ng mga viewers, may penalty kaya ang TAPE at mga hosts kapag nabanggit ang Eat… Bulaga! na nangyari nga kay Isko?


Anyway, Tahanang Pinakamasaya na ang title ng noontime show ng TAPE at hindi lang alam kung temporary lang ito o final title na. May mga comments na mabuti na napalitan ang title para hindi ma-bash ang show ng TAPE at mga hosts nito. Para rin daw magkaroon sila ng sariling identity.


May mga pumansin naman sa logo ng Tahanang Pinakamasaya dahil kapareho raw ng logo ng Sunday Pinasaya, ang dating Sunday show ng GMA-7. May mga nagpahayag ng suporta at may mga nagsabi namang hindi magkiklik sa viewers ang title dahil mahaba.


Bakit daw hindi nag-isip ng iba ang TAPE?


Hintayin natin ang paliwanag ng TAPE kung bakit ito ang napili nilang title at kung final title na ba ang Tahanang Pinakamasaya.

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page