Search
  • BULGAR

Kahit baguhan pa lang… ANDRE, P3 MILYON ANG TF BILANG PBA PLAYER

Erlinida Rapadas - @Teka Nga! | April 7, 2021




Hindi raw bibitawan ni Andre Paras ang kanyang hosting job sa Game of the Gens kahit na maglalaro na siya sa PBA at bahagi na ng Blackwater team.


Kakayanin naman daw niyang pagsabayin ang showbiz at basketball at wala siyang igi-give-up alinman sa dalawa.


Parehong mahal ni Andre ang showbiz at ang paglalaro ng basketball. Childhood dream ni Andre ang maging sikat na basketball player tulad ng kanyang amang si Benjie Paras.


Nagustuhan din niya ang pag-aartista at bagong experience sa kanya ang pagho-host ng Game of the Gens kasama si Sef Cadayona.


Si Andre Paras ay nakakontrata nang two years sa Blackwater team na ang katapat ay P3 M talent fee.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.