top of page

Kahit ano'ng parinig pa raw ng aktres, wa' epek…SIGAW NG NETIZENS: JULIA, 'DI PAKAKASALAN NI GERALD

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 19, 2021
  • 2 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | December 19, 2021




Nag-start nang mag-promote si Julia Barretto ng kanyang movie na Expensive Candy.


Isang sexy photo ang ipinost niya sa kanyang Instagram account kung saan nilagyan niya ito ng caption na "See you soon Candy #ExpensiveCandy."


Aba, nag-react ang kanyang boyfriend na si Gerald Anderson. Tanging "Halaaa" with fire at wow emoji ang inilagay ng aktor.


Papa'no ba naman, litaw ang cleavage ni Julia sa ipinost niyang larawan.


Siyempre pa, makakalampas ba sa mapanuring mata ng mga Marites ang nasabing larawan?


Samu't saring komento na naman ang mababasa sa pagpo-promote ni Julia.


"Nangangamoy-flop kasi kaya umpisahan na lahat ng promo!"


Pagtatanggol ng isang commenter, "Lahat na lang ng galaw, promo para sa 'yo. Ikaw nga 'tong basher, mas nangunguna-nguna pa kesa sa mga fans sa mga kaganapan sa buhay niya."


"It only shows how obsessed they are to Julia even if they don't admit it," sagot ng isa pa.


"Obsessed your face, hahaha! Tingnan mo nga siya sa photo kung ano'ng kaaya-aya sa kanya!"


"Hindi naman pumunta sa personal IG ng idol mo. 'Yun ang obsessed. At talagang promo,

promo nga 'yung caption ni Julia, eh, duh!"


Tanong naman ng isa, "Plate ang shape ng boobs. Sa contour lang 'yan?"


"Also, nothing sexy diyan sa photo. Look ang facial expression, parang napadaan lang."


"Hula ko lang, parang Lovi Poe ang peg ng movies ni ate, 'yung mga walang substance ba."


Pansin naman ng isang netizen sa naging reaksiyon ni Gerald, "He wasn’t that showy before.


This might be the sign…(ring emoji)."


"Eh, di go! Pero wala naman sa mga plano ni G na magpatali kahit anumang parinig ni J."


"Nothing new. Ganyan naman talaga ang comment niya pati sa mga ex niya. 'Pag mahaba na, magtaka na tayong lahat."


"Advantage ni Julia 'yung age niya, kasi 'yung tipo ni Gerald, gusto ang buhay-binata kaya dahil sa age gap nila, hindi malabong magkatuluyan talaga. Dami pang time ni Gerald to be carefree kasi bata pa girlfriend niya."


"Aww! Excited ako sa movie n'ya na 'to! Nakita ko mga behind the scenes sa TikTok."


"Hanggang emoji lang talaga kayang i-comment ni boyfie forever."


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page