Kahit annulled na kay Cesar… SUNSHINE, AYAW PA RING PAKASAL SA BF NA SI MACKY MATHAY
ni Nitz Miralles - @Bida | November 26, 2021

Kundi kami nagkakamali, ‘yung crochet crop top na suot ni Sunshine Cruz sa virtual mediacon ng Afternoon Prime ng GMA-7 na Stories From The Heart: Love On Air ay gawa niya. The actress is into crochet top at ang model niya ay ang tatlong dalagang anak.
In fairness, magaganda ang gawa ni Sunshine, different designs, kaya may nagtanong na nga sa kanya kung may chance na she’ll go into online selling? Tiyak na marami ang bibili sa gawa ni Sunshine na “project” ang kanyang tawag.
Anyway, balik-Kapuso si Sunshine sa mini-series na ito na magsisimula ang airing sa Monday, November 29, 3:25 PM. Role ng station manager ang ginagampanan niya at siya ang may idea na palabasin ng mga karakter nina Khalil Ramos at Gabbi Garcia na they are in a relationship para sa mga listeners ng station nila. Si Paul Sta. Ana ang director ng mini-series na tatakbo for one month.
Still on Sunshine, tinanong siya kung may plano na silang magpakasal ng boyfriend niyang si Macky Mathay. Sagot ni Sunshine, kakukuha lang niya ng certificate ng annulment nila ni Cesar Montano na kamakailan lang na-approved, at sa sumunod na paliwanag, tila wala pa silang plano ni Macky.
“Ang priority ko ay work at alagaan ang mga anak ko. Saka, ang dami pang dapat ayusin.
Papalitan ko ang apelyido ko sa passport, sa credit cards at iba pang papers, kaya wala munang kasal. Happy ako sa suporta ni Macky sa akin,” sabi ni Sunshine.





Comments