Kahit ang 2 anak pa raw ang makiusap… RUFFA, HINDING-HINDI NA BABALIKAN SI YILMAZ
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 27, 2023

Hindi raw totoo at fake news ang kumalat sa social media na nagkabalikan si Ruffa Gutierrez at ang kanyang ex-husband na si Yilmas Bektas.
Naitanong namin 'yan kay Ruffa nang makita namin sa birthday party ni Sen. Bong Revilla, Jr. sa Okada Manila nu'ng Lunes nang gabi.
Ayon kay Ruffa, hinding-hindi na raw niya babalikan ang tatay nina Venice at Lorin kahit ang mga anak pa niya ang makiusap. Sapat nang pinayagan niya na makasama ng dalawa niyang anak ang kanilang biological father.
Hindi niya ipagkakait kay Yilmaz ang karapatan na makasama sina Venice at Lorin at maipakilala sa iba niyang kamag-anak ang mga anak.
Natanong din namin si Ruffa sa status ng kanyang love life ngayon.
“I'm happy now,” lang ang kanyang isinagot.
Meaning, may inspirasyon siya na nagpapasaya sa kanyang mundo.





Comments