top of page
TALKIES - MAYOR VICO, UMAMING NEVER NAISIP MAG-SHOWBI-IG _vicosotto.jpg

Kagrupo sa Sexbomb, 'di tanggap na bading ang anak… AIRA AT SUGAR, MAY PAYO KAY IZZY AT SA ANAK

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 21, 2023
  • 2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | September 21, 2023



Nagbigay ng payo at opinyon ang mga former Sexbomb members na sina Aira Bermudez at Sugar Mercado tungkol sa viral post ng dating kagrupo nila na si Izzy Trazona.


Matatandaang nag-viral ang Facebook post ni Sexbomb Izzy kamakailan kung saan ay inihayag niya ang kanyang damdamin sa pagkakaroon ng anak na drag queen.


Mahaba ang post ni Izzy kung saan ay sinabi niyang mahal na mahal niya ang anak na si Andrei, pero mababasa rin na tila hindi siya pabor sa pagiging gay at drag queen nito.


“Sino ba namang magulang ang gustong mapahamak ang anak? When all your motive is to save them sa mas masakit na puwede nilang maranasan. Ang buhay na wala si Kristo.


Andrei anak, I love you so much to not support you on things that will harm you. I am always here for you…your Mama, mahal na mahal kita,” bahagi ng post ni Izzy.


Sumagot din si Andrei sa social media at sinabing sana ay dumating ang araw na maintindihan din siya ng kanyang ina.


“It’s like saying I love you because you’re my son but I don’t accept you for who you are,” tweet pa ni Andrei.


Umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa mga netizens ang problema ng mag-ina at bumuhos din ang simpatya ng mga tao kay Andrei. May mga bumabatikos naman kay Izzy na bakit kailangang i-social media pa ang ganitong bagay, pero mayroon din namang nauunawaan siya.

Sa recent guesting nina Aira at Sugar sa Fast Talk with Boy Abunda ay natanong sila ng host na si Boy Abunda kung ano ang kanilang maipapayo kay Izzy hinggil sa issue.


"Kasi si Izzy, kumare ko 'yan, mahal ko 'yan. Meron siyang pinaninindigan at pinaniniwalaan.


'Yung faith niya kay God, kailangan nating irespeto 'yun at 'yung gustong mangyari ng anak niya, kailangan din nating irespeto. 'Yun naman lagi (ang) itinuturo sa atin,” sabi ni Aira.


Pero sana raw ay nag-usap na lang ang mag-ina at hindi na pinadaan pa sa social media.


“Sana, 'yun lang, pagdating sa problema ng pamilya, 'yung sinasabi natin lagi, when it comes to social media, 'Think hard before you click.’ Kasi 'yung mga buhay natin, personal natin, hindi naman nila gustong malaman 'yun. Sana na lang, nag-usap sila, hindi sa social media,” dagdag ni Aira.


Para kay Sugar, bilang isa ring ina, siyempre, hangad din niya ang lahat ng ikabubuti ng kanyang mga anak.

“Ako naman po, iaano ko rin po ‘yung pagiging nanay ko rin na siyempre, ‘pag mahal mo, kahit sino po sa atin, kung sinuman ‘yung mahal natin sa buhay at lalo na’t anak mo, ‘andiyan po 'yung iingatan mo at gusto mong mapaganda siya, 'yung buhay niya.


"At naiintindihan ko rin po si Ate Izzy. Ang ipinaglalaban naman po niya rito, 'yung Panginoon na, wala nang kahit na sino, kaya hindi ko rin po siya masisisi. Pero agree rin po ako kay Ate Aira na sana, nag-usap na lang po sila,” pahayag ni Sugar.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page