Kabit, durog na durog dahil kay Aljur… KYLIE, GUSTONG PAYUHAN SI AJ
ni Nitz Miralles - @Bida | October 26, 2021

Umeere pa lang ang interview ni Kylie Padilla sa Kapuso Mo, Jessica Soho, marami na ang nagko-comment na batay sa mga sagot ng aktres kay Jessica Soho at sa body language nito, hindi na niya mahal ang mister.
Ang gustong malaman ng mga Marites ngayon ay kung paano at bakit na-fall out of love si Kylie kay Aljur na noong in love pa siya, ipinagpalit niya ang career niya at ang Encantadia para lang masunod ang puso niya.
May mga pahayag pa si Kylie sa nasabing interview na sabi ng mga viewers, nagpapatunay na hindi na mahal ni Kylie si Aljur. Isa rito ang inaming “she felt alone” sa marriage nila at ang binanggit na pareho na silang hindi masaya ni Aljur sa pagsasama nila. Ibig sabihin, pareho silang na-fall out of love.
Binanggit din ng mga viewers na willing si Kylie na kausapin si AJ Raval, ang GF ni Aljur ngayon, para tulungan kung paano iha-handle ang mga bashers dahil napagdaanan na niya.
“Since my help is not being asked, I will not give it na lang,” sabi nito.
Kung may pagseselos si Kylie kay AJ, hindi niya gugustuhing makita o kausapin ito. Pero dahil hindi siya nagseselos at hindi na niya mahal ang asawa, gusto pa niyang tulungan ang GF ni Aljur how to cope up with the bashers.
May binanggit pa si Kylie na kung may sasabihin pa si Aljur na paninira laban sa kanya, “Let’s take it to court na lang.”
Ano ito, mauuwi pa sa demandahan ang kanilang paghihiwalay?
Sa kanyang Instagram, may post si Kylie the day after her interview with KMJS at sabi, “Excited for things that are coming! Life is good and I’m thankful for every single lesson. Ready to close this door and open new ones.”
Nag-promote pa si Kylie ng BetCin, ang mini-series nila ni Andrea Torres na streaming sa WeTV Philippines at iFlix na marami ang nagkakagusto.
Wala pa siyang new series sa GMA-7, pero mataas ang rating ng The Good Daughter na kanyang pinagbibidahan kahit replay.





Comments