top of page

Kabataan at ilang mulat na propesyunal, nakayakap at nakasandal na sa AI

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 26, 2025
  • 2 min read

ni Ka Ambo @Bistado | June 26, 2025



Bistado ni Ka Ambo

Nakadiskarte ng ceasefire si US President Donald Trump.

Kahit puwersado. 


----$$$--


WALA sa libro at akademya ang estilo ng international diplomacy ni Trump.

Ang tawag ng mga eksperto riyan ay “transactional”.

Sa Tagalog, ang tawag diyan ay “BALUGBOG”.


----$$$--


HINDI sila nagkakalayo ng estilo ni ex-President Digong.

Pa-balugbog din ang diskarte.


-----$$$--


NAMIHASA kasi ang mga akademisyan sa mga naunang diskarte, inuulit-ulit lang, kinokopya at nilalagyan ng inobasyon.

Kumbaga, nangopya lang sila ng ideya, konsepto at ito na ang ginawang “dissertation” ng mga doktorado.


----$$$--


SA totoo lang, lipas na ang estilo ng edukasyon dahil higit nang 2,000 taon itong luma at patuloy pang ginagasgas hanggang ngayon sa mga educational institution.

Kumbaga, ‘laspag’ na ang sinaunang “wisdom”.


----$$$--


Sa pagdating ng artificial intelligence — ang lahat ng iyan — kasama ang educational system ay malilipasan na ng talab.

Ibig sabihin, ang mga kabataan ngayon at ilang mulat na propesyonal — ay nakayakap at nakasandal na sa artificial intelligence.


----$$$--


IBIG sabihin din, hindi na ‘kakailanganin’ ang mga titser, mga doktor, mga designer, mga journalist at marami pang iba.

Napakarami ng mawawalan ng trabaho.


-----$$$--


ANG mga mawawalan ng trabaho — ay ang mga propesyonal na hindi makakasabay sa teknolohiya, inobasyon at artificial intelligence.

Pero ang mga kabataan ngayon — ay hindi mapag-iiwanan dahil sa ayaw o sa gusto ng kanilang mga magulang at titser, at mga religious leader — araw-araw ay kokonsulta sila gamit ang artificial intelligence na nakatanim sa kanilang cellphone at mga gadgets.


-----$$$--


HINDI dapat matakot sa artificial intelligence, sapagkat iyan mismo ang pundasyon ng hinaharap o ng future generation.

Ang mga kumokontra lamang sa AI — ay ang mga matatanda na ilang panahon ay ‘mamamaalam’ na rin sa ibabaw ng lupa.


----$$$--


HAYAAN nating magkompyuter at mag-cellphone ang mga kabataan — ‘yan mismo ang modernong kultura.

Tayong matatanda ang delikado — hindi na natin sila mauunawaan!


Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page