top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kabado si Magsayo bilang PH World Champ vs. Vargas

BULGAR
Jul 7, 2022
2 min read

ni MC - @Sports | July 7, 2022




Magsasagupa na sina Mark 'Magnifico' Magsayo at Rey Vargas para sa WBC Featherweight Championship sa (Linggo ng umaga, PH time) sa Alamodome sa San Antonio, Texas.


Ito ang magiging unang title defense ng nag-iisang Pinoy world champ na si Magsayo mula nang patalsikin niya sa trono ang longtime champion na si Gary Russell Jr. noong Enero. Si Vargas ay dating WBC Super Bantamweight Champion at pakay makakuha ng korona sa ikalawang weight class.


Kapana-panabik ang bakbakan dahil parehong walang talo ang dalawa at kapwa napatunayan ang championship caliber. Bagama’t wala sa kanila ang may matinding knockout power, pareho silang nakapuntos ng higit sa 60% ng mga panalo sa karera sa bisa ng knockout, kaya marami ang nagtatanong kung sino ang mas mahusay na knockout artist.


Hawak ni ‘Magnifico’ ang rekord na 24-0, kung saan 16 sa panalo ay knockout. Ibig sabihin mayroon siyang knockout percentage na 66.67%. Nagtala si Rey Vargas ng 35 panalo sa propesyonal na karera na walang talo, kung saan 22 sa mga panalo ay sa bisa ng knockout.


Mas mataas ang knockout percentage ni Vargas sa knockouts pero si ‘Magnifico’ ay may mas malaking porsiyento, ibig sabihin ay may kaunti siyang bentahe sa power department.


Bago siya humamon para sa WBC title, umiskor si Magsayo ng brutal na knockout laban kay Julio Ceja noong Agosto 2021. Bago labanan si Ceja, na-knockout niya si Pablo Cruz noong Abril.


Napanalunan ni Vargas ang huling 7 laban sa bisa ng desisyon. Hindi siya nakaiskor ng knockout mula Setyembre 2016 nang pigilan niya si Alexander Munoz sa 5th round.


Si Vargas ay may posibilidad na maging aktibo sa ring at magsisipag sa suntukan kung saan ang kanyang mga laban kina Ronny Rios at Oscar Negrete ay nagpakita siya ng volume punching. Nagpakawala rin ng maraming suntok si Magsayo kontra kay Gary Russell Jr. noong Enero.


Hangad ni ‘Magnifico’ na patagalin ang paghahari sa WBC Featherweight Championship habang si Vargas ay nais maging matagumpay sa pagkuha ng world title sa ikalawang weight class.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page