ni Julie Bonifacio @Winner | June 22, 2024
Napabilib kami sa husay ni Barbie Forteza sa pagsagot sa mga tanong ng entertainment writers sa ginanap na grand mediacon ng movie nila ng kalabtim niyang si David Licauco, ang That Kind of Love directed by Catherine ‘CC’ Camarillo.
Bihira, or never pa yata kaming naka-attend ng mediacon for Barbie. At sa unang pagkakataon, napahanga kami sa talino at wit niya sa pagsagot.
Bagay pala talaga sa kanya ang role niya sa That Kind of Love bilang dating coach and certified psychologist.
Kering-keri ni Barbie ang pagiging coach professionally and personally. Kasi nga, kahit sa relasyon nila ng kanyang totoong boyfriend na si Jak Roberto ay tumagal at nananatiling matatag.
Curious tuloy ang mga taga-media kung puwede kaya niyang i-coach si David para maging successful din ang love life ng kanyang leading man sa That Kind of Love.
Sagot ni Barbie, “Alam n’yo, sa totoo lang, ‘yung pinag-usapan namin ni David, mas hopeless romantic s’ya kesa sa ‘kin.”
Ibinulgar ni Barbie na may sinundang babae si David sa Korea.
“Ganu’ng level,” diin ni Barbie.
“Na hindi alam nu’ng girl, na-surprise ‘yung girl. Nagpunta s’ya sa Korea, naka-backpack lang s’ya. May dala s’yang rose.
“Ganoon ang level ng love ng taong ito. So, I don’t think he needs coaching.
“But if ever he would ask for myself, hindi ko siya para i-coach. Siguro I will just share my experience and sana, he’ll learn from it somehow.”
Ang That Kind of Love ay nakapasok at naging awardee rin pala sa first Jinseo Arigato International Film Festival as Spotlight Entry sa Japan last month.
Naniniwala naman si Barbie na nag-level-up na ang love team nila ni David na second movie offering ng Pocket Media Productions, Incorporation and Pocket Media Films in cooperation with Happy Infinite Productions, Inc.
Esplika ni Barbie, “Uhm, dito I would say na nag-level-up talaga ang love team namin ni David in terms of ‘yung sophisticated na acting, ‘yung maturity, ‘yung styling namin, ‘di ba? Kita n'yo naman, very close to K-drama, hindi ba?
“Even ‘yung approach namin sa character namin, lagi ko ngang sinasabi, at ‘yung pinaka-sophisticated role na ibinigay sa ‘kin na kahit hitsura ko, iniba namin. Pinadalaga namin, ‘di ba?
“And also, nag-level-up kami kasi ang taas ng production value ng pelikulang ito, ‘di ba?
“So kami rin, in return, talagang ini-level-up din namin ang approach namin sa project na ‘to. Mas ano, mas pampelikula, alam n’yo ‘yun? ‘Yung hindi mo mapapanood sa free TV.
‘Yung worth it bayaran,” sey pa ni Barbie.
Tikom naman ang bibig ng aktres sa tanong kung may kissing scene sila ni David sa nasabing pelikula.
“Dapat panoorin, ‘di ba?” sweet na sabi ni Barbie.
Ipapalabas ang That Kind of Love sa July 10 nationwide, released and distributed by Regal Entertainment.
Kommentare