Ka-level nina Willie, Pacquiao, Derek, Daniel, etc…P10.3 M, HALAGA NG ISANG KOTSE NI RAFFY TULFO
ni Julie Bonifacio - @Winner | November 3, 2021

Nakakalula ang halaga ng mga kotseng pag-aari ng ilan sa mga local celebs natin na inilantad sa isang Facebook page. Tampok doon ang Top 10 local celebs na nagmamay-ari ng pinakamahal na kotse.
Dalawa rito ay ang mga tumatakbo ngayon para sa 2022 national elections na sina Senador Manny Pacquiao at Raffy Tulfo.
Four controversial actors din ang nakapasok sa listahan na may mga milyones na kotse — sina Derek Ramsay, Daniel Padilla, Enzo Pineda at Coco Martin.
Pero ang nakakagulat ay ang magician at TV host na si Jeffrey Tam na nakapasok din sa listahan dahil sa kanyang pambihirang kotse.
Ayon sa naturang FB page, si Derek ang may pinakamahal na kotse dahil sa kanyang astig na red Ferrari F12 na diumano ay worth P35 milyon. Pero dahil duda kami kung bakit ganu'n kamahal 'yun, nag-double check kami at nag-Google ng presyo ng naturang Ferrari model at napag-alaman namin na nasa P17 M lang naman 'yun.
Wow, lang, ha? Mahal pa rin, 'no!
Anyway, sumunod sa listahan si Albert Martinez na nagmamay-ari ng MCLAREN 675LT, made in England at isa lang daw 'yan sa kanyang 21 car collection.
Pangatlo naman ang Kapamilya actor na si Enzo Pineda na may Mclaren (720S) sports car din gaya kay Albert.
Ang tatay ni Enzo ay si Enrico Pineda na isang congressman at business manager ng boxing champ na si Sen. Manny Pacquiao.
Kung totoong P27 M diumano ang halaga ng kotse ni Enzo, mas mahal pa kung ganu'n sa luxury car ni Willie Revillame?
According kasi sa video, ang kotse ni Willie na may tatak na Audi R8 ay nagkakahalaga ng P17.5 M. Although, nabalita na dati na marami pa siyang mamahaling kotse gaya ng Bentley na same brand na gamit ng Royal family sa London.
At saka, may mga yate at chopper pa si Willie. Baka naka-move on na (naka-move on daw, oh!) si Willie sa mga mamahaling kotse?
Next to Willie’s car ay ang Brabus Mercedes C63 ni Coco worth P12M.
Surprisingly, hindi si Sen. Pacquiao ang sumunod kay Coco na may most expensive car but it’s Jeffrey Tam na ang kotse ay Tesla Model X Electric SUV worth P11M.
Mas mahal pa ng P1M ang kotse ni Jeffrey kesa sa sikat na TV host at may pinakamaraming subscribers sa YouTube na si Raffy Tulfo?
Isang Chevrolet Suburban ang kotse ni Raffy, pero bullet proof at dahil d’yan, umabot sa P10.3 M ang halaga ng kanyang SUV. Limang milyong piso raw kasi ang ginastos ni Raffy para sa pagpapalagay ng bullet proof.
Ang kotse naman ni Sen. Pacquiao na Mercedes Benz SL550, two-door sports sedan convertible, ay worth P7.4M.
Ang Ford Mustang Shelby GT500 naman ni Daniel Padilla ay nagkakahalaga ng P7M. Isa ang Mustang Shelby ni Daniel sa 2048 units lang na ginawa noong 1967.
And last but not the least, ika-sampu sa nasa listahan ng most expensive cars sa hanay ng local celebs ay ang Dodge Challenger SRT8 392 ni Aljur Abrenica.
Taong 2013, hiniram daw ni Vin Diesel ang kotse ni Aljur para i-drive papunta sa premiere night ng Fast & Furious 6 dito sa 'Pinas.
Bongga naman ni Aljur. Alam kaya ni Kylie Padilla ‘yan? Tsarot!





Comments