Ka-level nina Boyet, Tirso at Ipe… ALLEN, HALL OF FAMER NA NG FAMAS
- BULGAR
- Dec 14, 2021
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | December 14 , 2021

Tinanghal na Best Actor si Allen Dizon sa katatapos na FAMAS Awards via the movie Latay.
Bale pang-limang Best Actor award na ito ni Allen kaya elevated na siya sa FAMAS Hall of Fame.
Bagama't sinasabi ng marami na underrated actor si Allen Dizon, ang pagkakapanalo niya ng acting award ay isang pagkilala sa kanyang husay umarte.
Hindi madali ang manalo ng limang acting awards sa FAMAS. Hindi matinee idol ang tipo ni Allen Dizon pero masuwerte siya na ang mga pelikulang iniaalok sa kanya ay mabigat ang tema, challenging at nagmamarka sa mga moviegoers.
Action-drama ang madalas na ginagawang pelikula ni Allen at bumabagay naman sa kanyang personalidad ang role na kanyang ginagampanan.
At dahil Hall of Famer na siya ng FAMAS, ka-level na ni Allen sina Christopher de Leon, Phillip Salvador, Tirso Cruz III atbp. FAMAS awardees.





Comments