Ka-level ng Superstar, Star for All Seasons, Megastar at Diamond Star...
- BULGAR

- Jan 24, 2021
- 1 min read
ALEX, MAY 9 M SUBSCRIBERS, YOUTUBE SUPERSTAR!
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | January 24, 2021

Sunud-sunod ang blessings na dumarating sa buhay ni Alex Gonzaga ngayon. Matapos silang makasal ni Lipa Councilor Mikee Morada, nagkaroon siya ng bagong noontime show sa TV5.
At ngayon ay may award siyang natanggap mula sa CICP Spotlight Award. Si Alex ang tinanghal na YouTube Superstar at ang awarding ay ginanap noong October, 2020, pero ang trophy ni Alex ay kailan lang naibigay.
Ang bongga-bongga ni Alex dahil tinalbugan pa niya ang kanyang Ate Toni. At least, may titulo na rin siyang maipagmamalaki ngayon.
Kung si Nora Aunor ay Superstar, si Vilma Santos ay Star for All Seasons, si Sharon Cuneta ay Megastar at si Maricel Soriano ay Diamond Star, swak naman si Alex Gonzaga bilang YouTube Superstar.





Comments