top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Julie Anne, sey mo? "FOR ME… KASAL NA AKO SA KANYA" — RAYVER

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 15, 2023
  • 1 min read

ni Nitz Miralles @Bida | October 15, 2023



Nag-guest sina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose sa Fast Talk with Boy Abunda last Friday at naikuwento ang naging experience nila kasama si Boobay habang nasa Israel sila.


May show dapat ang tatlo sa Tel Aviv na kanselado na dahil nga sa giyera ng Israel at Hamas.


Isa sa mga naitanong ni Boy kay Rayver ay kung hindi raw ba niya naisip na mag-propose kay Julie habang nagkakagulo sa paligid nila at nasa bunker sila?


Hindi raw ba naghanap ng pari si Rayver para magpakasal na sila?


Ang sweet ng sagot ni Rayver na kinakiligan ng JulieVer fans.


“Ang nangyari, Tito Boy, ang joke na ‘yun, after na ‘yun nakalabas na kami at nagkakape kami sa ibaba. Noong time na ‘yun, pangatlong pagpasok (sa bunker yata).


"Para sa akin, everything happens for a reason at Siya lang ang nakakaalam sa Itaas, ang lakas ng loob ko, nanggaling kay Julie at inisip ko, may rason kung bakit magkasama kami sa Holy Land.


"For me, mind, body and soul, kasal na ako sa kanya. Pero alam ng Panginoong Diyos na makakauwi pa kami, may chance pa kami makauwi para kunin ka as ninong.”


Natawa si Boy sa sagot na ito ni Rayver at hindi raw siya handa.


Ang ikinatuwa pa ng mga fans, ganyang nag-iisip na ng kasal si Rayver, ibig sabihin daw, malapit na silang ikasal ni Julie.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page