JULIE ANNE, NAGMUKHANG BARBIE DOLL SA BLONDE HAIR
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | November 18, 2023

Ibang-iba ang hitsura ngayon ng Limitless Star na si Julie Anne San Jose, blonde ang buhok na mala-Barbie!
Maraming fans ang natuwa at nagkagusto sa new look ni Julie Anne. Pero may mga nanibago naman at nagsabing mas gusto nila ang dating Julie Anne na Filipina beauty.
Ayaw nila sa tisay na Julie Anne.
Well, artista si Julie Anne kaya kailangang may pagbabagong makita sa kanya ang publiko. Dapat ay sumusunod at mag-adjust din siya sa pagbabago at kung ano ang uso sa showbiz ngayon.
Kailangan niyang magkaroon ng transformation upang hindi magsawa ang mga fans sa kanya.
Ang mahalaga naman ay nagle-level-up din siya sa kanyang career. Bukod sa acting and singing, bihasa na rin sa pagho-host si Julie Anne at hindi siya tumitigil sa pag-abot sa kanyang mga pangarap.
Excited siya ngayon dahil may bago siyang ini-record na single, ang Something na alay niya sa kanyang mga tagahanga.
Sa pagiging singer nagsimula ang career ni Julie Anne. Bata pa siya ay nasalihan na halos niya ang lahat ng singing contests upang magkaroon ng break sa telebisyon at maging recording artist.
At nagbunga naman ang pagsisikap ni Julie Anne. Hindi lang siya naging singer, artista at TV host pa. Hindi niya sinukuan ang kanyang mga pangarap sa buhay. At sa kabila ng tagumpay niya ngayon, hindi siya nagbago at nanatiling mapagkumbaba.
Maligaya rin ngayon ang kanyang love life. Kaya naman, masasabing truly blessed si Julie Anne San Jose. Alagang-alaga ng GMA Network ang kanyang career.





Comments