JULIE ANNE, HINAHARANG NA MAGPAKASAL KAY RAYVER
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | October 19, 2023

Nahasa na nang husto si Julie Anne San Jose sa pagkanta at pagiging host. Nag-level-up na nang husto ang kanyang pagiging singer-performer. Kaya deserve niya ang maging isa sa mga mentors ng The Voice Generation.
Natutulungan niya nang husto ang mga contestants na nasa kanyang pangangalaga. Kaya, sobrang proud si Julie Anne na umabot sa semi-finals ang ilan sa kanyang mga mine-mentor sa The Voice Generation.
Medyo naging nostalgic para kay Julie Anne nang kantahin ng kanyang mentee ang Habang May Buhay. 'Yun daw kasi ang lagi niyang kinakanta noong bata pa siya kapag sumasali sa mga singing contest.
Kaya naman, nahilingan si Julie Anne na kantahin niya nang a cappella ang Habang May Buhay.
Nag-duet pa sila ni Stell ng SB19 kaya natuwa ang studio audience.
Nasubaybayan ng publiko ang journey ng career ni Julie Anne San Jose. Nakita ng lahat ang kanyang pagpupursige at dedication sa kanyang singing career. Multi-talented siya, from singing, pagtugtog ng gitara, piano, drums, atbp. musical instruments.
Kaya binansagan siyang Limitless Star dahil limitless din ang kanyang talent. At malaki ang posibilidad na maabot din ni Julie Anne ang kasikatan nina Sharon Cuneta at Sarah Geronimo.
Kaya dapat ay 'wag muna siyang magpakasal kay Rayver Cruz. Hindi pa niya naaabot nang husto ang peak ng kanyang career. Suportahan dapat siya ni Rayver na abutin ang kanyang mga pangarap.





Comments